Carlos Yulo
himnastang masining mula sa Pilipinas (ipinanganak noong 2000) From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Si Carlos Edriel Poquiz Yulo (ipinanganak noong Pebrero 16, 2000 sa Malate, Maynila) ay isang Pilipinong manlalaro na nakakuha ng bronze at ginto sa World Artistic Gymnastics Championships. Siya ang kauna-unahang; Pilipinong lalaki sa Timog Silangang Asya na naguwi ng panalo sa "World Artistic Gymnastics Championships", sa kanyang ensayo ay natapos ang medalyang bronze taong 2018, at ang kauna-unahang naka-sungkit ng gintong medalya sa Pilipinas noong 2019 sa kaparehas na aparato, Ang kanyang performance ay pasok sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2020 sa Tokyo.[1]
Anim na beses naging world championship medalist si Yulo, nanalo ng dalawang ginto, dalawang pilak, at dalawang tanso; sampung beses na kampeon sa Asya; at isang siyam na beses na kampeon sa Palaro ng Timog Silangang Asya. Ang kanyang pinakamataas na pagkakalagay sa Palarong Olimpiko ay pang-una sa men's floor exercise at men's vault sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2024 sa Paris, Pransiya.[2]
Remove ads
Personal na buhay
Si Carlos Edriel Poquiz Yulo ay isinilang noong Pebrero 16, 2000 sa mga magulang na sina Mark Andrew Yulo, isang ahente sa paglalakbay, at Angelica Yulo (née Poquiz),[3][4][5] isang maybahay, sa Maynila, at nanirahan sa kahabaan ng Leveriza Street sa Malate.[6][7] Siya ang pangalawa sa apat na magkakapatid; ang kanyang nakatatandang kapatid na babae na si Joriel ay miyembro ng National University Pep Squad, at ang kanyang mga nakababatang kapatid na sina Karl Jahrel Eldrew at Elaiza Andriel ay mga himnastiko rin.[8][9] Lumaki si Yulo na nanonood ng mga Pilipinong himnastiko na nagsasanay at nakikipagkumpitensya sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate.[10] Nagsimulang magsanay si Yulo para sa himnastika noong siya ay pitong taong gulang pa lamang, nang makita siya ng kanyang lolong si Rodrigo Frisco,[11] na tumataob sa isang lokal na palaruan, at dinala siya sa Gymnastics Association of the Philippines (GAP) para sa pagsasanay.[12] Nagsanay din siya sa Club Gymnastica sa Kapitolyo, Pasig sa kanyang mga unang taon.[13]
Remove ads
Karera
Senior
2024
Sinimulan ni Yulo ang 2024 season na may tansong medalya sa floor exercise sa Baku World Cup.[14] Pagkatapos, nanalo siya ng gintong medalya sa Doha World Cup, para sa parallel bar at isang pilak na medalya para sa vault.[15] Napanalunan niya ang kanyang unang continental championship all-around title sa Asian Championships sa Tashkent.[16] Nanalo siya ng tatlo pang gintong medalya sa finals ng kaganapan: sa floor exercise, vault, at parallel bars.[17]
Sa kasagsagan ng qualification round ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 2024 sa Paris, Pransiya, kwalipikado siya para sa men's individual all-around, vault, at floor.[18] Una siyang lumahok sa individual all-around final noong Hulyo 31, kung saan siya ay ika-12 sa pangkalahatan na may kabuuang iskor na 83.032 puntos.[19] Noong Agosto 3, lumahok siya sa final ng men's floor exercise kung saan siya ay nanguna na may iskor na 15.000 puntos. [20] Noong Agosto 4, lumahok siya sa final ng men's vault kung saan siya ay nanguna na may iskor na 15.116 puntos. Siya ang naging unang Pilipinong gymnast at pangalawang Pilipino na nanalo ng gintong medalya sa Palarong Olympiko, at siya rin ang kauna-unahang Pilipino na nakasungkit ng dalawang gintong medalya sa Palarong Olympiko.[21][22]
Remove ads
Kasaysayan sa mga kompetisyon
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads