Palaro ng Timog Silangang Asya
SEA From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Palaro ng Timog Silangang Asya (katawagan sa Ingles: Southeast Asian Games o SEA Games), ay isang panyayaring pang-palakasan na ginaganap bawat dalawang taon na sinasalihan ng kasalukuyang 11 mga bansa mula sa Timog Silangang Asya. Kinabibilangan ito ng iba't ibang uri ng palakasan. Ang laro sa ilalim ng regulasyon ng Southeast Asian Games Federation na may superbisyon at ang Pandaigdigang Lupong Olimpiko (IOC) at ng Konsehong Olimpiko ng Asya.
Remove ads
Kasaysayan
Nagsimula ang Southeast Asian Games bilang Southeast Asian Peninsular Games. Ito ay naisip ni Laung Sukhumnaipradit, ang dating Pangalawang Pangulo ng Komiteng Olimpiko ng Thailand. Nilikha ito upang tumulong sa pagsulong ng kooperasyon, pagkakaunawaan at pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa rehiyon ng ASEAN.
Kabilang ang Thailand, Burma (Myanmar ngayon), Malaysia, Laos, Timog Vietnam at Cambodia (ibinalang ang Singapore sa kalaunan) sa mga naunang kasapi. Nagkasundo ang mga bansang ito, na ganapin ang mga palakasan bawat dalawang taon. Nabuo ang SEAP Games Federation Committee.
Naganap ang unang SEAP Games sa Bangkok mula 12-17 ng Disyembre, 1959 na binubuo ng higit sa 527 atleta at opisyal na nagmula sa Thailand, Burma, Malaysia, Singapore, Vietnam at Laos at lumahok sa 12 mga palakasan.
Kinusindera ng SEAP Federation noong ikawalong SEAP Games noong 1975 na ibilang ang Indonesia at Pilipinas. Pormal na naisali ang dalawang bansa noong 1977, ang kaparehong taon na pinalitan ng SEAP Federation ang pangalan nito ng Pederasyon ng Palaro ng Timog-Silangang Asya (Southeast Asian Games Federation o SEAGF), at nakilala ang mga palaro nito sa kasalukuyan nitong pangalan. Napasama ang Brunei noong ikasampung SEA Games sa Jakarta, Indonesia, at ang Silangang Timor sa ika-22 SEA Games sa Hanoi, Vietnam.
Ginaganap ang ika-23 SEA Games sa Pilipinas na nagsimula noong Nobyembre 27 at natapos noong Disyembre 5, 2005. Ito ang ikatlong pagkakataon na gaganapin sa Pilipinas ang pangyayaring pampalakasan na ito.
Ang ika-24 na edisyon ng palaro ay gaganapin sa Nakhon Ratchasima sa bansang Thailand.[1]
Remove ads
Logo
Participating NOCs
Mga bansang host at cities
Simula na nagsimula ang Palaro ng Timog Silangang Asya noong 1959, naganap na ito sa 15 lungsod sa Timog Silangang Asya maliban ang Cambodia at Silangang Timor.
Remove ads
Palakasan
Kritisismo
Tignan din
- Events of the OCA (Continental)
- Palarong Asyano
- Palarong Taglamig ng Asya
- Palarong Kabataan ng Asya
- Palarong Tabing-dagat ng Asya
- Palarong Panloob at Sining Pandigma ng Asya
- Events of the OCA (Regional)
- Palaro ng Gitnang Asya
- Palaro ng Silangang Asya (ngayon Palaro ng Kabataan ng Silangang Asya)
- Palaro ng Timog Asya
- Palarong Kanlurang Asya
- Events of the APC (Continental)
- Palarong Paralimpiko ng Asya
- Palarong Kabataang Paralimpiko ng Asya
- Events of the APC (Regional)
Remove ads
Kawing panlabas
Mga batayan
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads