Kuskus

From Wikipedia, the free encyclopedia

Kuskus
Remove ads

Ang kuskus (Arabo: كُسْكُس, romanisado: kuskus) ay isang tradisyunal na ulam sa Hilagang Aprika[5][6] ng pinasingawang maliliit na[a] butil ng nirolyong semolina[7] na kadalasang inihahain kasama ang nilagang nilagay sa ibabaw. Minsang niluluto ang mihong perlas, sorghum, bulgur, at iba pang mga sereal sa katulad na paraan sa ibang mga rehiyon, at kuskus din ang tawag sa kinalabasang pagkain.[8][9]

Agarang impormasyon Ibang tawag, Kurso ...

Isang pangunahing pagkain ang kuskus sa buong lutuing Maghrebi Alheriya, Tunes, Mauritanya, Marruekos, at Libya.[10][11] Naisama ito sa lutuing Pranses at sa simula ng ikadalawampu dantaon,[12] sa pamamagitan ng kolonyal na imperyo ng Pransya at ng Pieds-Noirs ng Alheriya.[13][14][15]

Noong 2020, idinagdag ang kuskus sa tala ng Pamanang Pangkalinangan Di-Nahahawakan ng UNESCO.[16]

Remove ads

Etimolohiya

Ang salitang "kuskus" (alternatibo bilang cuscus o couscous) ay unang nabanggit noong unang bahagi ng ika-17 dantaong Pranses, mula sa Arabeng kuskus, mula sa kaskasa ('bayuhin'), at malamang na nagmula sa Berber.[17][18][19] Pinatutunayan ng katawagang seksu sa iba't ibang diyalektong Berber gaya ng Kabyle at Rifain, habang ang mga diyalektong Berber na Sahariyano gaya ng Touareg at Ghadames ay may bahagyang magkaibang anyo, keskesu. Ang malawakang heograpikal na pagpapakalat ng katawagang ito ay mariing nagmumungkahi ng lokal na pinagmulang Berber nito, na nagbibigay ng karagdagang suporta sa malamang na mga pinagmulang Berber nito gaya ng iminumungkahi ng lingguwistang Alherlinong na si Salem Chaker.[17]

Ang ugat ng Berber na *KS ay nangangahulugang "mahusay na nabuo, mahusay na pinagsama, bilugan."[17][18] Maraming pangalan at pagbigkas para sa kuskus ang umiiral sa buong mundo.[20]

Remove ads

Paghahanda

Tradisyunal na gawa ang kuskus mula sa semolina, ang pinakamatigas na bahagi ng butil ng durum na trigo (ang pinakamatigas sa lahat ng anyo ng trigo), na nagigiling sa gilingang bato. Winiwisikan ang semolina ng tubig at inirolyo gamit ang mga kamay upang bumuo ng maliliit na mga bulitas, binudburan ng tuyong harina upang panatilihing magkahiwalay, at sasalain pagkatapos. Anumang mga bulitas na masyadong maliit para tapusin, ang mga butil ng kuskus ay mahuhulog sa salaan at muling igulong at iwiwisik ng tuyong semolina at igulong sa mga bulitas. Nagpapatuloy ang prosesong ito na masinsinang paggawa hanggang mabuo ang lahat ng semolina sa maliliit na butil ng kuskus. Sa tradisyunal na paraan ng paghahanda ng kuskus, nagsasama-sama ang mga pangkat ng mga tao upang gumawa ng malalaking bulto sa loob ng ilang araw, na ipapatuyo sa araw pagkatapos at gagamitin sa loob ng ilang buwan. Maaaring kailangang muling basain ang gawang-kamay na kuskus habang inihahanda ito; nakakamit ito sa pamamagitan ng isang proseso ng pagbasa-basa at pagsingaw sa ibabaw ng nilaga hanggang maabot ng kuskus ang nais na gaan at lambot na kabuuan.[21]

Sa ilang rehiyon, ginagawa ang kuskus mula sa farina o mahinang paggiling ng sebada o mihong perlas .

Sa modernong panahon, karamihan na naka-makina na ang produksyon ng kuskus, at binebenta ang produkto sa buong mundo. Maaaring igisa ang kuskus bago ito lutuin sa tubig o ibang likido.[21] Ang wastong nilutong kuskos ay magaan at malambot, hindi malagkit o magaspang.

Remove ads

Pagkilala

Noong Disyembre 2020, nakuha ng Alheriya, Mauritanya, Mauruekos, at Tunes ang opisyal na pagkilala para sa kaalaman, paraan paano gawin, at mga kasanayan na nauukol sa produksyon at pagkonsumo ng kuskus sa Representative List of the Intangible Cultural Heritage of Humanity (Talang Kinakatawan ng Pamanang Pangkalinangan ng Sangkatauhan na Di-Nahahawakan) ng UNESCO. Pinarangalan ng magkasanib na pagsusumite ng apat na bansa bilang isang "halimbawa ng internasyonal na kooperasyon."[22][23]

Mga pananda

  1. Kadalasang nasa mga 2 milimetro (0.079 pul.) sa diyametro, bagaman mayroon din pino (1 mm) at mas malaking uri (3 mm o higit pa) sa Hilagang Aprika.

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads