DWPM
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang DWPM (630 AM), sumasahimpapawid bilang DZMM Radyo Patrol 630, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari ng Philippine Collective Media Corporation at pinamamahalaan sa pamamagitan ng joint venture nila ng ABS-CBN Corporation bilang Media Serbisyo Production Corporation. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa ABS-CBN Broadcasting Center, Sgt. Esguerra Ave. cor. Mother Ignacia St., Brgy. South Triangle, Diliman, Lungsod Quezon; ang transmiter nito ay matatagpuan sa kahabaan ng F. Navarette St., Brgy. Panghulo, Obando, Bulacan. Dati nang itinalaga ang talapihitang ito sa DZMM na pag-aari ng ABS-CBN.
Remove ads
Kasaysayan
Pinagmulan
Noong Mayo 23, 2023, inanunsyo ng ABS-CBN Corporation na nagkaroon sila ng joint venture kasama ang Philippine Collective Media Corporation ng Prime Media Holdings, Inc., na pag-aari ni House Speaker Representative Martin Romualdez, upang makagawa at magdala ng iba't ibang programa sa himpapawid. Kabilang sa mga plano nito ay ang posibleng pagbabalik ng DZMM sa dati nitong talapihitan na 630 kHz.[1][2]
2023-2025: Radyo 630
Noong Hunyo 26, 2023, nagsimulang umere ang talapihitang ito bilang bahagi ng pagsusuri. sa ilalim ng DWPM.[3]
Inilunsad ito noong Hunyo 30, 2023 bilang Radyo 630.[4] Noong nakaraang araw, nagpaalam ang mga host ng ilang mga programa mula sa TeleRadyo ay nagpaalala sa kanilang mga tagapagnood na subaybayan ang himpilang ito sa susunod na araw. Kasabay nito ang muling paglulunsad ng TeleRadyo bilang TeleRadyo Serbisyo, na ngayon'y bahagi ng joint venture.[5] Ito ay may opisyal na paglulunsad noong Hulyo 17, kasama ang pasinaya ng mga programa nito sa hapon at gabi.[6][7] Noong Agosto 5, ipinakilala nito ang mga programa nito tuwing Sabado at Linggo.
2025-kasalukuyan: Ang pagbabalik ng Radyo Patrol
Noong Mayo 21, 2025, sa kalagitnaan ng mga balita tungkol sa pagkalugi ng Media Serbisyo Production Corporation dahil sa kakulangan ng mga advertiser ng himpilang ito, nagkaroon sila ng planong ibalik ang pangalan na DZMM.[8][9]
Noong Mayo 29, 2025 sa ganap ng 8:00 PM, muling inilunsad ang himpilang ito sa dati nitong pangalan na DZMM Radyo Patrol 630. Kasabay nito ang muling pagpalit ng pangalan ng TeleRadyo Serbisyo sa dati nitong pangalan na DZMM TeleRadyo at ang paglunsad ng bagong kanta nito ni Martin Nievera. Sa kabila ng mga pagbabago nito, nananatiling call letters ang DWPM batay sa kasalukuyang listahan ng NTC. Noong Hunyo 2, nananatili pa rin ang mga programa nito, bumalik ang mga dating programa ng DZMM na Maalaala Mo Kaya sa DZMM, Aksyon Ngayon at Radyo Patrol Balita.[10][11]
Remove ads
Mga sanggunnian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads