DZMM TeleRadyo
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang DZMM TeleRadyo (kilala dati bilang TeleRadyo at TeleRadyo Serbisyo) ay isang tsanel pantelebisyong nakakable (cable television channel) na pagmamay-ari ng Media Serbisyo Production Corporation, isang joint venture ng Philippine Collective Media Corporation at ABS-CBN Corporation.[1][2]
Remove ads
Kasaysayan
Nagsimula ang konsepto ng TeleRadyo noong 2006 matapos nung namasyal sina Gabby Lopez at iba pang mga matataas na ehekutibo ng ABS-CBN sa South Korea. Una silang nangamba tungkol sa isang ideya tungkol sa pagsasahimpapawid ng himpilang ng radyo sa pamamagitan ng telebisyon sa takot na tuluyang iwanan ang mga tagapagkinig sa radyo, per nakakuha sila ng sapat na dahilan para ituloy ang konseptong ito na ipalabas ang DZMM sa telebisyon.
Noong Pebrero 2007, nagsimulang sumahimpapawid ang DZMM TeleRadyo sa kable. Pormal ito inilunsad noong Abril 12.
Noong Marso 18, 2020, sa kasagsagan ng pandemyang dulot sa COVID-19, nagsimulang maghati ang DZMM 630 at TeleRadyo sa pagsaabimpapawid sa kapatid nitong himpilan sa kable na ABS-CBN News Channel tuwing Martes, Huwebes at Linggo. Nagtagal ito hanggang Abril 20.
Noong Mayo 5, 2020 sa ganap ng 8:20pm, pagkatapos nung maglabas ng National Telecommunications Commission (NTC) ang cease-gand-desist order laban sa pagsasahimpapawid ng ABS-CBN sa radyo at telebisyon sa kasagsagan ng kontrobersiya sa pagpapanibago ng prangkisa ng ABS-CBN, nawala sa ere ang DZMM TeleRadyo.[3] Noong Mayo 8, bumalik ito sa ere bilang TeleRadyo ang hanggang kable lamang ito sumahimpapawid.
Noong Mayo 27, 2022, bumalik ang TeleRadyo sa dihital na telebisyon sa pamamagitan ng isa sa mga espasyo sa A2Z. Sumahimpapawid ito mula Lunes hanggang Biyernes, 5:30 am hanggang 10:00 pm, at tuwing Sabado at Linggo, 6:00 am hanggang 10:00 pm.[4]
Noong Nobyembre 1, 2022, tinanggal ito sa dihital na telebisyon pagkatapos nung tinapos ng ABS-CBN ang kontrata niyan sa ZOE Broadcasting Network para gamitin ang kahit anong dihital na espasyo sa A2Z.[5]
Noong Mayo 23, 2023, inanunsyo ng ABS-CBN Corporation na ititigil nito ang mga operasyon ng TeleRadyo sa darating na Hunyo 30 bilang bahagi ng pagbawi sa mga problemang pinansyal.[6] Sa kabila nito, inanunsyo din nila na nagkaroon sila ng joint venture kasama ang Philippine Collective Media Corporation ng Prime Media Holdings, Inc., na pag-aari ni House Speaker Representative Martin Romualdez, upang makagawa at magdala ng iba't ibang programa sa himpapawid. Kabilang sa mga plano nito ay ang posibleng pagbabalik nito sa radyo sa dati nitong talapihitan na 630 kHz.[7][8]
Gayumpaman, ilang araw bago ang plano nitong pagsara, inanunsyo ng ABS-CBN na hindi nila itutuloy ang pagsara ng TeleRadyo at sa halip itutuloy ito bilang bahagi ng joint venture nila ng PCMC.[9] Noong Hunyo 29, nagpaalam ang mga host ng ilang mga programa mula sa TeleRadyo ay nagpaalala sa kanilang mga tagapagnood na subaybayan ang himpilang ito sa susunod na araw.[10]
Noong Hunyo 30, 2023, kasabay ng paglunsad ng Radyo 630, muling inilunsad ang TeleRadyo bilang TeleRadyo Serbisyo.[11][12]
Noong Mayo 29, 2025 sa ganap ng 8:00 PM, kasabay ng paglunsad ng DWPM sa pamamagitan ng dati nitong pangalan na DZMM Radyo Patrol 630, ibinalik din TeleRadyo Serbisyo ang dati nitong pangalan na DZMM TeleRadyo.[13]
Remove ads
Tingnan din
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads