Philippine Collective Media Corporation

From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Ang Philippine Collective Media Corporation ay isang kumpanyang pagsasahimpapawid.[1][2] Ang punong tanggapan nito ay matatagpuan sa Barangay South Triangle, Lungsod Quezon, at may mga opisina ito sa Makati at Tacloban. Nagpapatakbo ang kumpanyang ito ng mga himpilan sa FM sa buong bansa bilang FM Radio Philippines (Favorite Music Radio), sarili din itong himpilan sa AM sa Maynila bilang Radyo 630, at mga himpilan sa telebisyon bilang Prime TV at PRTV.[3]

Agarang impormasyon Uri, Industriya ...
Remove ads

Kasaysayan

Itinatag ang PCMC noong 21 Mayo 2008 para magpatakbo ng mga himpilan sa Silangang Visayas ayon sa Republic Act 9773.[2] Noong 25 Abril 2011, naglunsad ang PCMC ng 3 himpilan sa Tacloban: DYBR sa AM, DYDR sa FM, at ang kauna-unahang lokal na sariling himpilan sa TV na PRTV.

Thumb
Logo ng FMR mula 2020 hanggang 2023.

Nung inamyendahan ang prangkisa nito noong 2020 para magpatakbo ng mga himpilan sa buong bansa ayon sa Republic Act 11508,[4] inilunsad ng PCMC ang sarili nitong network sa FM na Favorite Music Radio (o FMR, batay sa inisyal ng may-ari), mula sa DYDR sa Tacloban hanggan sa pinalawig ito sa iba't ibang lungsod sa buong bansa.[5][6]

Sa pagpapalawak ng mga operasyon nito sa radyo at telebisyon, may balak maglulunsad ang PCMC ng sariling pambansang TV network na may mga planong makipagtulungan sa ilang mga kumpanyang gumagawa sa pantelebisyon (kabilang sa kanila ang ABS-CBN Corporation).[7]

Noong 20 Setyembre 2021, nagkaroon ng ZOE Broadcasting Network at PCMC ng kasunduan para maipalabas ang programa ng A2Z sa PRTV Tacloban.[8]

Sa 6 Mayo 2024, nagsimulang ipalabas ang TV Patrol sa lahat ng himpilan ng FM Radio sa buong bansa.

Noong 27 Mayo 2024, pormal na inilunsad ng PCMC at Prime Media ang sarili nitong pambansang TV network na Prime TV, na nagsisilbing pagpapalawak ng lokal nitong PRTV.[9][10][11]

Noong Oktubre 2024, binili ng PCMC ang mga himpilan sa FM na pinag-arian ng Nation Broadcasting Corporation (NBC) na pinamamahalaan ng kumpanyang kapatid ng NBC na TV5 bilang Radyo5. Bilang bahagi ng kasunduan nila habang nasa ilalim ng pag-apruba ng regulasyon sa paglipat ng mga ari-arian, kukunin ng PCMC ang mga operasyon ng mga himpilan sa FM ng NBC, maliban sa mga himpilan nito sa Cebu at Cagayan de Oro.[12][13]

Remove ads

Mga Himpilan

Telebisyon

Digital
Karagdagang impormasyon Pangalan, Callsign ...

UHF Channel 50 (689.143 MHz)

Karagdagang impormasyon Channel, Video ...
Digital affiliate stations
Karagdagang impormasyon Pangalan, Callsign ...

Prime TV

Karagdagang impormasyon Short Name, Programming ...

Radyo

AM

Karagdagang impormasyon Pangalan, Callsign ...

FM

Thumb
Kasalukuyang logo ng FMR.

Pinagmulan:[14]

Karagdagang impormasyon Pangalan, Callsign ...
Mga kaanib
Karagdagang impormasyon Pangalan, Callsign ...
Mga Tala
  1. Pagmamay-ari ng Nation Broadcasting Corporation. Nasa ilalim ng pag-apruba ng regulasyon sa paglipat ng mga ari-arian sa PCMC.
  2. Pinamamahala kasama ang Polytechnic State University of Bicol.

Mga Dating Himpilan

Karagdagang impormasyon Pangalan, Callsign ...
Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads