DWYS
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang DWYS (101.1 FM), sumasahimpapawid bilang 101.1 Yes FM, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahala ng MBC Media Group sa pamamagitan ng Pacific Broadcasting System bilang tagahawak ng lisensya. Ito ay nagsisilbing punong himpilan ng Yes FM.[1] Ang estudyo nito ay matatagpuan sa Ikalawang palapag, MBC Building, Star City, Vicente Sotto St., CCP Complex, Pasay, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa BSA Twin Towers, Bank Drive, Ortigas Center, Mandaluyong.[2]
Remove ads
Kasaysayan
1968–1985: DZFX
Itinatag ang himpilang ito noong Mayo 31, 1968 sa ilalim ng pag-aari ng Makati Broadcasting Network, na pagmamay-ari nina Tony, Bob Garcia at Adolfo Duarte. Sa ilalim ng call letters na DZFX, nagpatugtog ito ng musikang klasiko at muzak. Noong Oktubre 11, 1985, bago mag-tanghali, namaalam ito sa ere.
1985–1989: Kiss FM
Noong Oktubre 11, 1985 ng tanghali, muling inilunsad ang himpilang ito bilang Kiss FM 101.1 na may Top 40 na format. Nagpalit din ito ng call letters sa DWKS. Nung panahong yan, sumahimpapawid ito sa ika-14 na palapag ng Insular Life Building sa Makati. Kabilang sa mga personalidad ng himpilang ito ay si Martin Nievera bilang "Mad Man", na may sariling programa tuwing Sabado ng hapon. Dito nagsimula ang programang countdown na Top 20 at 12.
1989–1995: Kiss Jazz
Noong Hunyo 1989, naging Kiss Jazz 101.1 na may smooth jazz na format. Noong Disyembre 1995, namaalam ito sa ere.
1995–1998: Showbiz Tsismis
Noong Disyembre 18, 1995, binili ng Manila Broadcasting Company ang himpilang ito mula sa Makati Broadcasting Network at muling inilunsad ang himpilang ito bilang 101.1 Showbiz Tsismis, ang kauna-unahang himpilan sa bansang ito na may showbiz na format. Nagpalit din ito ng call letters sa DWST. Lumipat ito ng tahanan sa FJE Building sa Legazpi Village, Makati. Naka-riley din ito sa mga pangunahing lungsod sa bansa.[3][4]
1998–kasalukuyan: Yes FM/Yes The Best
Noong Disyembre 6, 1998, muling inilunsad ang himpilang ito bilang Yes FM 101.1 na may pang-masa na format. Nagpalit din ito ng call letters sa DWYS.[5]
Noong Hulyo 2002, lumipat ito sa Star City Complex sa Pasay.
In 2014, pinaragan ang Yes FM ng Gawad Tanglaw Hall of Fame bilang Best FM Station sa loob ng limang taon.
On July 18, 2016, naging Yes The Best ito na binansagang "The Millennials' Choice".[6]
On May 1, 2017, naglunsag ng Yes The Best ang sarili nitong mobile application na Yes! The Best App.[7]
Noong Oktubre 2, 2019, apektado ng sunog na galing sa Star City ang estudyo nito sa MBC Building. Dahil dito, pansamantala itong sumahimpapawid sa BSA Twin Towers sa Mandaluyong, kung saan nandoon ang transmiter nito.[8]
Noong Nobyembre 15, 2021, bumalik ito sa bagong ayos na MBC Building. Sa parehong araw, iniluunsad ng MBC ang bansag Sama-Sama Tayo, Pilipino!.[9]
Nong Pebrero 5, 2024, ibinalik ang pangalan nito sa Yes FM.
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads