DZMB
himpilan ng radyo sa Kalakhang Maynila, Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang DZMB (90.7 FM), sumasahimpapawid bilang 90.7 Love Radio, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahala ng MBC Media Group sa pamamagitan ng Cebu Broadcasting Company bilang tagahawak ng lisensya.[1][2] Ito ay nagsisilbing punong himpilan ng Love Radio. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa Ikalawang palapag, MBC Building, Star City, Vicente Sotto St., CCP Complex, Pasay, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa BSA Twin Towers, Bank Drive, Ortigas Center, Mandaluyong.[3]
Remove ads
Kasaysayan
1946-1975: Unang Pagsasahimpapawid sa AM
Itinatag ng Manila Broadcasting Company ang himpilang ito noong Hulyo 1, 1946. Nasa 760 kHz ang talapihitang ito sa ilalim ng call letters na KZMB. Noong 1948, nagpalit ang call letters nito sa DZMB.[4]
Noong Setyembre 11, 1972, nawala ito sa ere nung naideklara ni Pangulong Marcos ang Batas Militar. Bumalik ito sa ere makalipas ng ilang buwan.[5]
1975-2000: Paglipat sa FM
Noong Pebrero 14, 1975, lumipat ang DZMB sa FM, sa pamamagitan ng 90.7 MHz. Nagsimula itong umere ng easy listening na format na binansagang "Beautiful Music". Kabilang sa mga kilalang personalidad ng DZMB noong panahong yan ay sina Mel Tiangco, Jay Sonza, at Reysie Amado.
Sa huling bahagi ng dekada 80, naging katiwala ng himpilang ito si Manuelito "Manny" F. Luzon at naging 90.7 Love Radio ito. Hindi nagtagal at naging isa ito sa mga pinakapinakikinggan na himpilan sa Kalakhang Maynila.[6][7][8]
2000-kasalukuyan: Kabisyo
Noong Pebrero 14, 2000, sa ika-25 na anibersaryo nito, mula sa pagtagumpay ng Yes FM 101.1 nagpalit ng format ang Love Radio sa pang-masa at binansagang itong "Kailangan pa bang i-memorize yan? Bisyo na 'to!". Sa mga susunod na taon, niranggo ito bilang pinakapinakikinggan na himpilan sa Kalakhang Maynila.[9]
Kabilang sa mga kilalang personalidad ng Love Radio mula sa panahong ito ay sina Chris Tsuper at Nicole Hyala (na kilala bilang Tambalang Balasubas at Balahura),[10] at Papa Jack (na kilala sa panggabing programa na TLC: True Love Conversations).[11][12]
Noong Oktubre 2, 2019, apektado ng sunog na galing sa Star City ang estudyo nito sa MBC Building. Dahil dito, pansamantala itong sumahimpapawid sa BSA Twin Towers sa Mandaluyong, kung saan nandoon ang transmiter nito.[13]
Noong Nobyembre 15, 2021, bumalik ito sa bagong ayos na MBC Building. Sa parehong araw, iniluunsad ng MBC ang bansag Sama-Sama Tayo, Pilipino!.[14]
Noong Pebrero 14, 2024, sa ika-49 na anibersaryo nito, muling inilunsad ang kanilang bansag na may konting pagbabago, "Kailangan pa bang i-memorize yan? Basic!"
Remove ads
Mga Parangal
- Best Male Disk Jockey - ALTA Media Icon Awards for Chris Tsuper (2016)
- Best FM Station - ALTA Media Icon Awards (2016)
- Best FM Station - 24th KBP Golden Dove Awards (2016)
- Best FM Station - 23rd KBP Golden Dove Awards (2015)
- Best FM Station - 2014 Yahoo PH Celebrity Awards
- Best Female Disk Jockey for Nicole Hyala - 2013 Yahoo! OMG Awards
- Best Female Disk Jockey for Nicole Hyala - 2012 Yahoo! OMG Awards
- Best Radio Program: Tambalang Balasubas at Balahura for Nicole Hyala and Chris Tsuper - 2012 Yahoo! OMG Awards
- Best Male Disk Jockey for Papa Jack - 2012 Yahoo! OMG Awards
- Best Male Disk Jockey for Papa Jack - 2013 Yahoo! OMG Awards
- Male DJ of the Year for Papa Jack - 2014 Yahoo! Celebrity Awards
- Best Radio Comedy Program: Tambalan for Nicole Hyala and Chris Tsuper - 27th KBP Golden Dove Awards (2019)
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads