DXDB-AM
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang DXDB (594 AM) Radyo Bandilyo ay isang himpilan ng radyo na pag-aari at pinamamahalaan ng Diyosesis ng Malaybalay. Ang pangunahing estudyo nito ay matatagpuan sa Ground Floor, Communications Media Center Bldg., San Isidro Cathedral, Murillo St. cor. San Isidro St., Brgy. 1, Malaybalay, ang alternatibong estudyo nito ay matatagpuan sa Ground Floor, San Agustin Parish Church, Sayre Highway, Valencia, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa Brgy. Kalasungay, Malaybalay.[1][2][3][4][5][6]
Remove ads
Kasaysayan
1971-1977: DXBB
Nagsimula ang pagpatayo ng himpilang ito sa ilalim ng Bukidnon Broadcasting Corporation ng bagong likhang Prelatura ng Malaybalay. Sinimulan ang pagsubok nito sa pagsasahimpapawid sa 540 kHz noong Mayo 26, 1971. Opisyal ito inilunsad noong Setyembre 11 sa ilalim ng call letters na DXBB.[7] Sa ilalim ng pamumuno nina CMC director Fr. Joseph Stoffel at prelate Bishop Francisco Claver, binansagan itong Bandilyo sa Bukidnon. Hindi nagtagal at naging pinakapinakikinggan itong himpilan sa lalawigan. Bukod sa Katolisismo sa lalawigan, umere ito ng mga programang pang-edukasyon mula sa Federation of Free Farmers, isang organisasyong magsasaka. Nagdulot ito ng pagkayamot ng lokal na pamahalaan, bukod pa sa lokal na awtoridad ng militar.[8]
Noong Setyembre 21, 1972, nawala ito sa ere nung naideklara ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Batas Militar. Noong Pebrero 9, 1973, bumalik ito sa ere; ang Catholic Welfare Organization (na ngayo'y Kapulungan ng mga Katolikong Obispo ng Pilipinas) ang nagsisilbing tagahawak ng lisensya.[9][10]
Noong Nobyembre 18, 1976, sinalakay at ipinasara ng militar ang DXBB, pati ang DXCD ng Prelatura ng Tagum,[11] dahil sa mga alegasyon na ginamit ito ng Partido Komunista ng Pilipinas para sa layunin ng pagsasanay sa ideolohiya[12] at para magdala ng mensahe sa mga rebeldeng New People's Army.[10][13] Kalaunan, inamin ng militar na walang basehan ang ginawa nila laban sa mga himpilang ito.[8][9]
1991-kasalukuyan: DXDB
Noong Marso 22, 1991, bumalik ang himpilang ito sa 594 kHz. Opisyal ito inilunsad noong Huly 15 sa ilalim ng call letters na DXDB na binansagang Dan-ag sa Bukidnon.[14][8][15]
Noong Enero 10, 2003, opisyal na nakarehistro ang DXDB sa Securities and Exchange Commission sa ilalim ng pangalang Catholic Radio Station DXDB-AM ng Malaybalay, Inc.[8]
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads