Catholic Media Network
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Catholic Media Network (CMN) ay isang Katolikong grupong pagsasahimpapawid ng Kapulungan ng mga Katolikong Obispo ng Pilipinas, ang namumunong katawan ng Simbahang Katolika sa Pilipinas.[1][2]
Remove ads
Kasaysayan
Itinatag ang grupong ito noong 1966 bilang Philippine Federation of Catholic Broadcasters (PFCB) sa pamamagitan ng pagsisikap ni Fr. James Reuter, SJ at Fr. George Dion, OMI.[3]
Noong 1997, upang umangkop sa misyon nito, naging Catholic Media Network ito na binansagang "The Spirit of The Philippines".[4]
Mga himpilan
Halos lahat ng mga himpilan nito ay pinatatakbo ng kani-kanilang diyosesis sa pamamagitan ng CBCP bilang tagahawak ng lisensya nila o ng mga kumpanyang pangmidya ng kani-kanilang diyosesis. Bumubuo ang mga ito sa grupong ito at nagpapakilala ang bawat isa sa kanilang bilang "mga miyembro ng" at hindi "pagmamay-ari ng" CMN.[5][6]
AM
Kilala ang mga himpilan ng AM ng CMN bilang Radyo Totoo, maliban sa DWAL sa Batangas. Iilan sa mga ito ay may sari-sariling pangalan maliban sa Radyo Totoo.
FM
Kilala ang mga himpilan ng FM ng CMN bilang Spirit FM mula 1997. Karamihan sa mga ito ay may halong pang-masa at pang-relihiyoso sa format nito, habang iilan sa mga ito ay may sari-sariling mga format o nagsisilbi bilang pang-apaw sa kanilang mga kapatid nitong himpilan sa AM. Katulad ng mga himpilan nito ng AM, iilan sa mga ito ay may sari-sariling pangalan maliban sa Spirit FM.
Remove ads
Mga Rehiyonal na Kumpanya
Mga Internasyonal na Kaanib
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads