DZRV

Katolikong himpilan ng radyo sa Kalakhang Maynila, Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Ang DZRV (846 AM), sumasahimpapawid bilang Veritas 846 at kilala rin bilang Radyo Veritas, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Arkidiyosesis ng Maynila sa pamamagitan ng Global Broadcasting System bilang tagahawak ng lisensya. Ito ay nagsisilbing punong himpilan ng Catholic Media Network. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa Veritas Tower, 162 West Ave. cor. EDSA, Brgy. Philam, Lungsod Quezon, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa Brgy. Taliptip, Bulakan, Bulacan.[1]

Agarang impormasyon Pamayananng lisensya, Lugar na pinagsisilbihan ...
Remove ads
Remove ads

Kasaysayan

Itinatag ang Radyo Veritas noong Abril 11, 1969 sa pagmamay-ari ng Philippine Radio Educational and Information Center, Inc. Sumahimpapawid ito sa 860 kHz, ang talapihitang pinagmamay-ari dati ng University of Santo Tomas. Noong Nobyembre 23, 1978, lumipat ang talapihitang ito sa 846 kHz.[1]

Noong Pebrero 25, 1986, sa pagtapos ng Rebolusyong EDSA ng 1986, dinumog ng mga grupong armado ang pasilidad ng transmiter ng Radyo Veritas para sirain ang transmiter nito.[2]

Noong Mayo 17, 1991, binili ng Global Broadcasting System ang Radyo Veritas na nagpalit ng call letters sa DZNN na binansagang Kaibigang Totoo at The Spirit of the Philippines. Lumipat ito sa Makati bago muli ito lumpiat sa Ortigas noong kalagitnaan ng dekada 90. Noong 1998, nagpalit muli ito ng call letters sa DZRV.

Noong 2005, nasa ibang pamamahala ang Radyo Veritas na naging Veritas 846. Noong 2008, nagpatatag ng Veitas ang Kapanalig Radio Community para sa mga tagapagkinig nito.[3]

Noong Abril 2018, sa ika-49 na anibersaryo nito, binansagan ang Veritas bilang Ang Radyo ng Simbahan.[4]

Noong Abril 2019 sa ika-49 na anibersaryo nito, inilunsad ng Veritas ang opisyal nitong jingle na binansagang Manatili ka sa'min.[5]

Noong Nobyembre 1, 2021, inilunsad ng Veritas ang sarili nitong teleradyo channel sa Sky Cable Channel 211 sa Kalakhang Maynila.[6]

Remove ads

Mga Saklaw

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads