Daang Elliptical

malaking daanan sa Lungsod Quezon, Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia

Daang Ellipticalmap
Remove ads

Ang Daang Elliptical (Ingles: Elliptical Road; o kilala din sa tawag na QMC Road) na maaaring tukuyin nang literal bilang Daang Patambilog, ay isang malaking rotonda (roundabout)[1] at kilalang pook sa Lungsod Quezon, Pilipinas. Nililibot nito ang Quezon Memorial Circle. Ang haba nito ay dalawang kilometro, at nahahati ito sa walong linya (kung saan tatlo sa mga ito ay mga pangunahing linya, apat ay para sa mga sasakyang papalabas ng rotonda, at isa ay para sa mga bisikleta at pedicab. Ang pag-ikot sa rotonda na ito ay sa direksiyong pa-counterclockwise (o direksiyong salungat sa direksiyon ng mga kamay ng orasan). Pinangalanan ito sa hugis nito na patambilog (elliptical shape).

Agarang impormasyon Lokasyon, Mga koordinado ...

Isang mahalagang bahagi ng Daang Radyal Blg. 7 (o R-7) ang Daang Elliptical.

Remove ads

Mga pook-palatandaan at opisina ng pamahalaan

Mga sangandaan

Thumb
Daang Elliptical sa sangandaan nito at Abenida East.

Ang Daang Elliptical ay nagsisilbing dulo ng pito sa mga pangunahing lansangan ng Lungsod Quezon.[5] Ang mga lansangang ito ay:

Abenida Commonwealth

Ang Abenida Commonwealth ay isang lansangang may labinwalong linya (pinakamalawak na lansangan sa Pilipinas) na papuntang mga distrito ng Holy Spirit, Balara, at Batasan. Isa din itong ruta patungong Novaliches at lalawigan ng Bulacan. Ito ang pinakaunang sangandaan ng Daang Elliptical. Karamihan sa mga sasakyan dito ay mula sa Abenida Commonwealth.

Abenida Visayas

Ay isang daang walo ang mga linya na patungong distrito ng Project 6. Papunta ito sa Abenida Central, Abenida Kongresyonal, Abenida Tandang Sora, Abenida Luzon, at Abenida Mindanao. Matatagpuan malapit sa sangandaang ito ang mga opisina ng Kagawaran ng Pagsasaka (o DA) at Kagawaran ng Repormang Pansakahan (o DAR).

Abenida North

Ay isang lansangang walo ang mga linya na papuntang North Triangle District at Triangle Park Industrial Center, kung saan matatagpuan ang mga pamilihan ang SM City North EDSA at Trinoma. Papunta ito sa hilagang bahagi ng EDSA na papuntang NLEx, Caloocan, at Monumento.[6]

Abenida Quezon

Thumb
Abenida Quezon patungong Daang Elliptical at QMC.

Ang Abenida Quezon ay isang lansangang walo ang mga linya na papuntang EDSA, Mabuhay Rotonda, at Maynila. Matatagpuan malapit sa sangandaang ito ang Ninoy Aquino Parks and Wildlife.

Abenida East

Ay isang lansangang anim ang mga linya na papuntang East Triangle at EDSA. Ang daang ito ay papunta sa mga katimugang bahagi ng EDSA na papuntang Cubao, Mandaluyong, Makati, at Pasay. Matatagpuan dito ang ilan sa mga kilalang pagamutan tulad ng Philippine Heart Center, East Avenue Medical Center, at National Kidney and Transplant Institute, mga opisina ng pamahalaan (tulad ng sa Land Transportation Office o LTO), at pangunahing opisina ng Pangasiwaan ng Pilipinas sa Serbisyong Atmosperiko, Heopisiko, at Astronomiko (o PAGASA).

Kalye Maharlika

Papunta ang kalyeng ito sa Abenida Commonwealth (sa pamamagitan ng Kalye Masaya pahilaga).

Abenida Kalayaan

Ay isang lansangang anim ang mga linya na patungong mga distrito ng Kamias, Socorro, at Cubao.

Remove ads

Tingnan din

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads