Datu Piang
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Si Piang Tan (1846–1933), kilala bilang Datu Piang, ay isang pinunong Tsinong Maguindanaon na nagtatag ng Sambahayang royal ng Piang at kalimitang tinagurian na "Grand Old Man of Cotabato."[1]
Bilang anak ni Tuya Tan (陳名頓), isang mangalalakal na Tsino buhat sa Amoy, Tsina at ni Tiko, isang babaeng taga-Maguindano, siya ay Ministro ng mga Lupain sa ilalim ni Datu Utto at naging pinakamayaman at pinakatanyag na datu noong panahon ng mga Amerikano.[2][3][4][5] Dahil sa pinaghalong Maguindanao at Tsino, isa siyang Mestisong Tsino[6][7][8] Kinilala si Datu Piang (minsang tinukoy bilang Amai Mingka) bilang pinuno ng mga Moro sa Gitnang Mindanao nang sumakop at namuno ang Hukbong Katihan ng Estados Unidos sa noo'y tinawag na "Moroland".
Si Datu Gumbay Piang, na anak ni Datu Piang sa kaniyang pang-anim na asawang si Polindao, ay namuno sa Batalyong Moro-Bolo para labanan ang mga Hapones sa panahon ng pananakop nila sa Mindanao noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads