Datu
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang datu ay ang katawagan sa pinuno ng mga barangay noong kapanahunan ng bago dumating ang mga Kastila sa Pilipinas. Sila ang nagsisilbing tagapagpatupad ng mga batas at ang nagsisilbing pinakahari. Kapag higit na mas malakas ang isang datu, sila ay tinatawag na raha. Kabilang ang datu sa pangkat panlipunan ng mga maharlika.
Isa rin itong titulo na pinapahiwatig ang mga namumuno (sinasalarawan sa iba't ibang talang pangkasaysayan bilang puno, prinsepeng soberanya, at monarko) sa iba't ibang mga katutubo sa buong kapuluang Pilipinas.[1] Ginagamit pa rin ang titulo sa ngayon, bagaman hindi ganoong kadalas tulad noon. Kaugnay ang titulong ito sa ratu sa ilang mga mga wikang Austronesyo.
Remove ads
Pangkalahatang ideya
Noong sinaunang Kasaysayan ng Pilipinas, binuo ng mga datu at isang maliit na pangkat ng kanilang malalapit na kamag-anak ang "mataas na antas" ng tradisyunal na tatlong-baitang na herarkiyang panlipunan ng mga panlipunang Pilipino sa kapatagan.[2] Tanging mga kasapi na may karapatang pagkapanganay sa aristokrasyang ito (tinatawag na maginoo, noblesa, maharlika, o timagua ng iba't ibang sinaunang tagapagtala) ang maaring maging isang datu; ang mga kasapi ng piling-taong ito ay umaasang maging datu sa pamamagitan ng kagitingan sa digmaan o natatanging pamumuno.[2][3][4]
Remove ads
Terminolohiya
Isang titulo ang datu para sa mga pinuno, prinsipeng soberanya, at monarko sa kapuluang Pilipinas.[1] Ginagamit pa rin ang titulo sa ngayon, lalo na sa Mindanao, Sulu at Palawan, subalit mas madalas sa sinaunang kasaysayan ng Pilipinas, partikular sa gitna at katimugang Luzon, Visayas at Mindanao.[5][4][2][3][6] Ang mga titulo na ginagamit pa ngayon ay ang lakan sa Luzon, apo sa gitna at hilagang Luzon,[7] at sultan at rajah, lalo na sa Mindanao, Sulu at Palawan.[8]
Remove ads
Mga kilalang datu
Ang mga kilalang mga datu at rajah sa kasaysayan ng Pilipinas ay sina:
- Rajah Humabon (Cebu) - kalaban ni Lapu-lapu
- Pulaka, na kilala rin bilang Lapu-lapu (Mactan, Cebu) - ang pumaslang kay Magallanes (Magellan)
- Rajah Kolambu (Butuan) - ang nagdala kay Magellan sa Cebu (Sugbu)
- Datu Zula (Cebu) - ang kapanalig ni Humabon laban kay Lapu-lapu
- Rajah Sulayman (Maynila) - isa sa mga hari ng Maynilad
- Rajah Matanda (Maynila) - isa sa mga hari ng Maynilad
- Lakan Dula (Maynila) - isa sa mga hari ng Maynilad
- Rajah Siagu (Butuan)
- Rajah Tupas (Cebu) - anak ni Humabon, tinalo siya ni Legazpi sa labanan
- Datu Macabulos (Pampanga)
- Rajah Kalantiaw (Panay) - gumawa ng batas
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads