Dinuguan

ulam na lamanloob at/o karne na hinaluan ng dugo ng baboy na kinakain sa Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia

Dinuguan
Remove ads

Ang dinuguan ay isang Pilipinong ulam na yari sa lamanloob ng baboy (karaniwang baga, bato, bituka, tainga, puso at nguso) at/o karne na pinakulo sa malinamnam, maanghang, maitim na sarsa na gawa sa dugo ng baboy, bawang, sili (kalasdan ang siling haba), at suka.[1][2][3]

Agarang impormasyon Ibang tawag, Uri ...
Remove ads

Etimolohiya at papangalan

Thumb
Tinumis ng Nueva Ecija na pinaasim ng sampalok sa halip na suka

Ang pinakakilalang termino dinuguan at iba pang rehiyonal na baryante ng pagpapangalan ay nanggagaling sa mga salita para sa "dugo" (kaya sa wikang Tagalog, "ilaga sa dugo" ang kahulugan ng "dinuguan"). Sa wikang Ingles, maaari itong tawaging pork blood stew o blood pudding stew.[4]

Ang dinuguan ay tinatawag ding sinugaok sa Batangas, zinagan sa Ibanag, twik sa Itawis, tid-tad sa Kapampangan, dinardaraan sa Iloko, dugo-dugo sa Sebwano, rugodugo sa Waray, sampayna o champayna sa Hilagang Mindanao at tinumis sa Bulacan at Nueva Ecija. Isang eupemismo para sa ulam na ito ang "karneng tsokolate".

Matatagpuan din ang dinuguan sa Kapuluang Mariana kung saan tinatawag itong fritada. Pinaniniwalaan na ipinakilala ito ng mga dayuhang Pilipino.[5]

Remove ads

Paglalarawan

Maaring ihain ang dinuguan na walang lamanloob; gagamitin lang ang mga hiniwang karne ng baboy. Sa Batangas, sinungaok ang tinatawag sa bersiyong ito. Maaari ring gamitin ang karne ng baka at manok.[6][7] Karaniwang sinasabayan ang dinuguan ng puting kanin o puto.[6] Ang mga bersiyon nitong ulam sa Hilagang Luzon, ang dinardaraan ng mga Ilokano at zinagan ng mga Ibanag ay mas tuyo at sinasahugan ng tsitsarong bituka. Mayroon ding bersiyon ang mga Itawes ng Cagayan na may mas malalaking tipak ng karne at mas maraming taba na tinatawag nilang twik.

Ginagamit ang pinakaimportanteng sangkap ng dinuguan, ang dugo ng baboy, sa iba pang lutuing Asyano sa dalawang paraan: namuong dugo na ginagawang ekstender para sa karne o hinahalo ang dugo sa sabaw mismo. Sumasailalim ang dinuguan sa huling nabanggit.[7][8]

Hindi kinakain ang ulam na ito ng mga relihiyosong grupo na may batas sa pagkain na nagbabawal ng pagkonsumo ng dugo, kagaya ng Iglesia ni Cristo, Mga Saksi ni Jehova, Adbentistang Pang-ikapitong Araw, at Pilipinong Hudyo.

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads