Distritong pambatas ng Cebu
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang mga Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Cebu, Una, Ikalawa, Ikatlo, Ikaapat, Ikalima, Ikaanim at Ikapito ang mga kinatawan ng lalawigan ng Cebu at ng mataas na urbanisadong lungsod ng Mandaue sa mababang kapulungan ng Pilipinas.
Kasaysayan
Ang lalawigan ng Cebu, kasama ang Lungsod ng Cebu (naging lungsod 1937) ay dating nahahati sa pitong distritong pambatas mula 1907. Noong panahon ng Ikalawang Republika, nagpadala ng dalawang assemblymen at-large ang lalawigan sa Kapulungang Pambansa. Bilang isang nakakartang lungsod, ang Lungsod ng Cebu ay may sariling representasyon. Nang manumbalik ang Komonwelt, muling hinati sa pitong distritong pambatas ang lalawigan.
Bahagi ito ng kinakatawan ng Rehiyon VII sa Pansamantalang Batasang Pambansa, mula 1978 hanggang 1984. Mula 1984 hanggang 1986, nagpadala ng anim na assemblymen at-large ang lalawigan sa Regular Batasang Pambansa. Sa pamamagitan ng Batas Pambansa Blg. 51 noong 1979, ginawang mataas na urbanisadong lungsod ang Lungsod ng Cebu at hiniwalay ito mula sa ikalawang distrito upang bumuo ng sariling mga distrito.
Sa ilalim ng bagong Konstitusyon, ang lalawigan ng Cebu kasama ang mga lungsod ng Mandaue at Lapu-Lapu, ay muling hinati sa anim na distritong pambatas noong 1987. Mula pito, nabawasan sa anim ang mga distrito ng lalawigan.
Sa pamamagitan ng Batas Pambansa Blg. 9726 na naipasa noong Oktubre 22, 2009, ginawang mataas na urbanisadong lungsod ang Lapu-Lapu at hiniwalay ito mula sa ikaanim na distrito upang bumuo ng sariling distrito na nagsimulang maghalal ng kinatawan noong eleksyon 2010.
Sa pamamagitan ng Batas Pambansa Blg. 10684 na naaprubahan noong Setyembre 18, 2015, hinati ang ikalawang distrito upang buuin muli ang ikapitong distrito na nagsimulang maghalal ng kinatawan noong eleksyon 2016.
Sa pamamagitan ng Batas Pambansa Blg. 11257 na naaprubahan noong Abril 15, 2019, hiniwalay ang lungsod ng Mandaue mula sa ikaanim na distrito upang bumuo ng sariling distrito na maghahalal ng sariling kinatawan sa darating na eleksyon 2022.
Remove ads
Unang Distrito
- Lungsod: Carcar (naging lungsod 2007), Naga (naging lungsod 2007), Talisay (naging lungsod 2000)
- Munisipalidad: Minglanilla, San Fernando, Sibonga
- Populasyon (2015): 709,660
1907–1972
- Munisipalidad: Bogo, Borbon Carmen, Catmon, Danao (naging lungsod 1961), Pilar, San Francisco, Tabogon, Tudela, Poro (muling tinatag 1909), Sogod (muling tinatag 1920)
Remove ads
Ikalawang Distrito
- Munisipalidad: Alcoy, Argao, Boljoon, Dalaguete, Oslob, Samboan, Santander
- Populasyon (2015): 239,820
1907–1972
- Munisipalidad: Cebu (naging lungsod 1936), Liloan, Mandaue (naging lungsod 1969), Opon (binago ang pangalan at naging Lungsod ng Lapu-Lapu noong 1961), Cordova (muling tinatag 1912), Compostela (muling tinatag 1919), Consolacion (muling tinatag 1920)
Notes
1987–2016
- Munisipalidad: Alcantara, Alcoy, Alegria, Argao, Badian, Boljoon, Dalaguete, Dumanjug, Ginatilan, Malabuyoc, Moalboal, Oslob, Samboan, Ronda, Santander
Remove ads
Ikatlong Distrito
- Lungsod: Toledo
- Munisipalidad: Aloguinsan, Asturias, Balamban, Barili, Pinamungahan, Tuburan
- Populasyon (2015): 541,152
1907–1972
Remove ads
Ikaapat na Distrito
- Lungsod: Bogo (naging lungsod 2007)
- Munisipalidad: Bantayan, Daanbantayan, Madridejos, Medellin, San Remigio, Santa Fe, Tabogon, Tabuelan
- Populasyon (2015): 484,198
Notes
- Pinalitan si Benhur L. Salimbangon ayon sa desisyon ng House Electoral Tribunal noong Enero 11, 2010.
1907–1972
- Munisipalidad: Argao, Dalaguete, Sibonga, Alcoy (muling tinatag 1916)
Remove ads
Ikalimang Distrito
- Lungsod: Danao
- Munisipalidad: Borbon, Carmen, Catmon, Compostela, Liloan, Pilar, Poro, San Francisco, Sogod, Tudela
- Populasyon (2015): 558,548
Notes
- Tinalagang Kalihim ng Turismo noong Agosto 19, 2004.
- Nagsimulang manungkulan noong Hunyo 9, 2005. Nahalal sa espesyal na eleksyong ginanap noong Mayo 30, 2005 upang tapusin ang termino ni Joseph Felix Mari H. Durano.
1907–1972
- Munisipalidad: Alegria, Badian, Boljoon, Ginatilan, Malabuyoc, Moalboal, Oslob, Samboan, Alcantara (muling tinatag 1913), Santander (muling tinatag 1917)
Remove ads
Ikaanim na Distrito
- Lungsod: Mandaue
- Munisipalidad: Consolacion, Cordova
- Populasyon (2015): 553,894
1907–1972
- Munisipalidad: Aloguinsan, Barili, Dumanjug, Pinamungajan, Toledo (naging lungsod 1960), Ronda (muling tinatag 1913)
Notes
1987–2010
Remove ads
Ikapitong Distrito
- Munisipalidad: Alcantara, Alegria, Badian, Dumanjug, Ginatilan, Malabuyoc, Moalboal, Ronda
- Populasyon (2015): 214,364
1907–1972
- Munisipalidad: Asturias, Balamban, Bantayan, Daanbantayan, Medellin, San Remigio, Tuburan, Santa Fe (muling tinatag 1909), Madridejos (muling tinatag 1916), Tabuelan (tinatag 1953)
Remove ads
At-Large (defunct)
1943–1944
- Hindi kasama ang Lungsod ng Cebu
1984–1986
- Hindi kasama ang Lungsod ng Cebu
Tingnan din
Sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads