Gabinete ng Pilipinas

Sangguniang tagapayo sa Pangulo ng Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Ang Gabinete ng Pilipinas (tinatawag ring Gabinete) ay binubuo ng mga namumuno sa pinakamalaking bahagi ng sangay tagapagpaganap ng pambansang pamahalaan ng Pilipinas. Sa ngayon, binubuo ito ng 20 kalihim ng kagawarang tagapagpaganap at ang iba pang mga pinuno ng mga ahensiya at tanggapan na sumasailalim sa Pangulo ng Pilipinas.

Ang mga kalihim ng Gabinete ay inaatasan payuhan ang Pangulo sa iba't ibang gawain ng estado gaya ng pagsasaka, pagbabadyet, pananalapi, edukasyon, at kagalingang panlipunan, pambansang tanggulan, ugnayang panlabas at iba pa.

Sila ay ninonomina ng Pangulo at inihaharap sa Komisyon ng Paghirang, isang sangay ng Kongreso ng Pilipinas na kumukumpirma sa lahat ng mga ininatalaga pinuno ng estado. Kung ang mga ito ay maitalaga, sila ay makatatanggap ng titulong kalihim, at magsisimulang gawin ang kanilang takdang gawa.

Remove ads

Pagtatalaga

Ayon sa Artikulo 7, Seksiyon 16 ng Saligang Batas ng Pilipinas, ang Pangulo ay

dapat magnomina at, sa pagsang-ayon ng Komisyon ng Paghirang, dapat humirang ng mga puno ng mga kagawarang tagapagpaganap, mga ambasador, iba pang mga pambayang minister at konsul, o mga pinuno ng sandatahang lakas mula sa rankong koronel o kapitan ng hukbong pandagat at iba pang mga pinuno na ang mga paghirang ay nakasalalay sa kanya sa Konstitusyong ito. Dapat din niyang hirangin ang lahat ng iba pang mga pinuno ng Pamahalaan na ang paghirang sa kanila ay walang ibang itinatadhana ang batas, at ng mga maaari niyang hirangin sa pamamagitan ng batas. Ang Kongreso, sa pamamagitan ng batas, ay maaaring magsalalay sa Pangulo lamang, sa mga hukuman, o sa mga puno ng mga kagawaran, mga sangay, mga komisyon o mga kalupunan, ng kapangyarihang humirang ng iba pang mga nakabababang pinuno.

Remove ads

Gabinete at mga opisyal na may antas-Gabinete

Ang mga nakatala sa ibaba ay ang mga bumubuo sa gabinete ng Pangulong Rodrigo Duterte, at sila rin ang namumuno sa mga kagawarang tagapagpaganap ng Pilipinas. Ang mga namamahala ay nakatala ayon sa order of precedence na itinatag ng pamahalaan.[1]

Gabinete

Ang lahat ng mga kagawaran ay nakatala sa paggamit ng kanilang pangalang Filipino sa itaas at ng kanilang pangalan sa ibaba.

Karagdagang impormasyon Kagawaran, Daglat ...

Mga opisyal na may Antas-Gabinete

May iilang mga posisyon sa ilalim ng tagapagpaganap na may antas-Gabinete, ngunit hindi sila mga kalihim ng mga kagawarang tagapagpaganap, na nangangahulugang maaari silang dumalaw sa mga pagtitipon ng Gabinete para sa mga natatanging dahilan. Ito ay ang mga sumusunod:

Karagdagang impormasyon Kagawaran, Daglat ...
Remove ads

Sanggunian

Mga kaugnayang palabas

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads