Harpia harpyja

From Wikipedia, the free encyclopedia

Harpia harpyja
Remove ads

Ang Harpia harpyja (Ingles: harpy eagle, lit. na'agilang arpiya') ay isang neotropikal na espesye ng agila mula sa pamilyang Accipitridae. Tinagurian din itong agilang arpiya ng Amerika upang mapaiba ito sa agila ng Papua, na tinatawag ding agilang arpiya ng Nuweba Ginea o agilang arpiya ng Papua.[1] Ito ang pinakamalaking modernong lumilipad na ibon at pangalawa sa laki lamang sa patay na agila ni Haast. Ang pangalang ito ay ibinigay para sa pagkakahawig sa isang gawa-gawang nilalang na tinatawag na Arpia. Ang ibon ay naninirahan sa Timog Amerika mula Mehiko hanggang Arhentina, nakatira sa kagubatan ng Amazon. Pinapakain nito ang mga folivora, oposum, capuchin monkey, at mga ibon tulad ng ara, gokko, toukans, atbp.

Agarang impormasyon Klasipikasyong pang-agham ...
Remove ads

Taksonomiya

Unang inilarawan ang Harpia harpyja ni Carl Linnaeus sa kanyang kilalang ika-10 edisyon ng Systema Naturae noong 1758 sa pangalang Vultur harpyja,[2] mula sa arpiya, isang mitolohikong halimaw. Ngayon, ito ang tanging espesye sa genus Harpia na ipinakilala noong 1816 ng ornitolohistang Pranses na si Louis Pierre Vieillot.[3][4] Kabilang sa mga malapit na kamag-anak ng Harpia harpyja ang agilang krestado (Morphnus guianensis), agila ng Papua (Harpyopsis novaeguineae) at lawing paniki (Macheiramphus alcinus). Bumubuo ang apat sa subpamilyang Harpiinae sa loob ng malaking pamilyang Accipitridae. Dating inakala na malapit na kamag-anak ng haribon, ipinakita ng pagsusuri ng DNA na iba ang lugar ng haribon sa pamilyang raptor, dahil malapit ang kaugnayan nito sa Circaetinae.[5]

Nanggaling ang espesipikong pangalan harpyja mula sa Sinaunang Griyegong harpyia (ἅρπυια). Tumutukoy ito sa mga arpiya sa mitolohiya ng mga Sinaunang Griyego. Ito ay mga espiritu ng hangin na naglipad ng mga patay patungo sa Hades o Tartarus, na sinasabing may mababang katawan at kuko ng raptor at ang ulo ng babae, na kasintangkad ng matangkad na bata hanggang matandang lalaki. Sa ilang paglalarawan, malaagila ang katawan ng halimbaw na may nakalantad na mga suso ng matandang babae, malapad na pakpak at ulo ng kakatwa, talas-ngiping, mutanteng agila—na mas kahawig sa tiyanak na may pakpak.[6]

Remove ads

Paglalarawan

Ang haba ng katawan ng agila na ito ay 90-110 cm. Ito ay ipinaliwanag sa pamamagitan ng katotohanan na ang harpia ay nangangaso sa isang siksik na kagubatan, kung saan kapag umaatake sa biktima ay kinakailangan na magmaniobra sa pagitan ng mga puno at siksik na mga dahon. Ang mga harpia ay katulad ng mga lawin, mas malaki lamang. Ang babae ay tumitimbang ng 6-9 kg, ang lalaki ay 4-7 kg. Ang mga ibong ito ay may malalaki at malalakas na mga paa na may napakahabang 10-sentimetro na mga kuko, kung saan maaaring makuha ng harpy ang malaking biktima.

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads