Hukbalahap

Isang sandatang kalaban ng mga Hapon noong nasasakop pa nila ang Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia

Hukbalahap
Remove ads

Ang Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon o Hukbalahap o mas kilala bilang Huk ay isang organisasyon na kinabibilangan ng mga mandirigmang gerilya sa pamumuno ni Luis M. Taruc.[2] Sila ay lumaban sa mga Hapon noong sakupin nito ang Pilipinas.[2] Natigil ang Huk noong ang dating presidente ng Pilipinas na si Elpidio Quirino ay nagpalabas ng proklamasyon upang mabigyan ng amnestiya (Amnesty) ang lahat ng miyebro ng Huk na susuko na.

Agarang impormasyon Mga pinuno, Mga petsa ng operasyon ...
Remove ads

Simula ng Hukbalahap

Nagsimula ang Hukbalahap noong Marso 29, 1942 sa Sitio Bawit, San Lorenzo, Cabiao, Nueva Ecija sa pamumuno ni Luis Taruc.[3] Itinatag ito ng mga pinuno ng mga organisasyon ng mga magsasaka at ng Partido Komunista ng Pilipinas upang labanan ang hukbo ng mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[4]

Rebelyon ng Hukbalahap

Naging epektibo ang paglaban ng Hukbalahap sa hukbong Hapones noong sakupin ng bansang Hapon ang Pilipinas.[5] Sunod-sunod na pag-atake sa mga Hapones ang ginawa ng Hukbalahap.[3] Pinatay nila ang mga kalabang Hapones at kinuha ang mga armas nito para gamitin ng mga kasapi ng Hukbalahap.[3] Dahil dito ay tumaas ang kumpiyansa ng mga tao sa Hukbalahap na naging dahilan ng pagtaas ng mga sumusuporta dito na tinatayang 5,000 katao.[3] Noong 1943 ay umabot ng 10,000 ang mga aktibong sumusuporta sa Hukbalahap.[3]

Remove ads

Pansamantalang pagtigil ng rebelyon

Sa pagsuko ni Luis Taruc noong May 17, 1954 sa panahon ng panunungkulan ni Ramon Magsaysay bilang Presidente ng Pilipinas, pansamantalang nahinto ang pag-aalsa ng mga Hukbalahap.[6][7][5] Dahil sa mga panukala ng pamahalaang Magsaysay sa repormang agraryo at sariling pamamahala sa lebel ng barangay, tinanggap ni Taruc ang amnestiyang inalok ng pamahalaan ni Magsaysay at pagkatapos ay muling nanirahan ang mga sundalo ng Hukbalahap sa mga bukirin sa Mindanao.[5]

Ipinagpatuloy na rebelyon

Bagama't sumuko si Taruc noong 1954, nanatiling aktibo ang Hukbalahap sa pamumuno ng humalili kay Taruc.[8] Ang sumunod na lider na ito ay nahuli noong 1964.[8]

Mga kababaihan sa Hukbalahap

Tinatayang isa sa sampung kasapi sa Hukbalahap ay babae.[4] Ilan sa mga kababaihang kasapi ng Hukbalahap ay sina Remedios Gomez na kilala bilang "Kumander Liwayway" at Teofista Valerio na kilala bilang “Estrella”.[4]

Pagkilala sa Hukbalahap

Bilang pagkilala sa mga nagawa ng mga miyembro ng Hukbalahap, isang Presidential Decree ang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos noong Oktubre 7, 1977 para ituring na mga beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na lumaban para sa Pilipinas.[2] Nagtayo din ng isang monumento para sa Hukbalahap sa loob ng Garden of Peace Memorial Park sa Sta. Monica sa San Luis, Pampanga.[9]

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads