IWantTFC

From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Ang iWant TFC, ang pinagsamang serbisyo ng iWant at TFC Online, ay isang over-the-top content platform at kumpanya ng produksyon na pagmamay-ari at pinapatakbo ng ABS-CBN Corporation . Nag-aalok din ang iWant TFC ng livestreams ng Kapamilya Channel, The Filipino Channel, ANC, at TeleRadyo at iba pang on-demand contents ng ABS-CBN sa iba't ibang mga platform. Ang serbisyo ay naa-access sa buong mundo.[2] Ang serbisyo ay kapalit din ng Sky On Demand ng Sky Cable na itinigil noong 1 Setyembre 2020.

Agarang impormasyon Uri ng sayt, Mga wikang mayroon ...
Remove ads

Kasaysayan

Bilang TFC Online

Inilunsad noong 2003 bilang ABS-CBNnow!, isang serbisyong nakatuon sa mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa kung saan mapapanood nila ang mga programa ng ABS-CBN tulad ng MTB, The Buzz at Magandang Gabi Bayan saan man sa mundo, kung mayroong kompyuter na may mabilis na internet o broadband connection. Ang mga gumagamit ay maaaring direktang mag-stream o mag-download ng mga file at kinakailangang mag-install ng Windows Media Player upang mapanood ang mga contents nito na protektado ng DRM . Isa ito sa kauna-unahang OTT platform na pagmamay-ari ng Filipino. Noong Oktubre 2005, ang serbisyo ay nagkaroon na ng humigit-kumulang na 23,000 ang gumagamit nito sa buong mundo. Ang pinakamalaking bahagi ng mga tagatangkilik nito ay nagmula sa Estados Unidos na mayroong walong libong gumagamit, anim na libo sa Britanya, apat na libo sa Canada, at ang natitira ay sa mga bansa ng Korea, Japan, Pilipinas at iba pang mga bansa sa Asya.[3]

Bilang iWant

iWant TV (2010-2018)

Thumb
Ang logo ng iWant na ginamit mula Nobyembre 2018 hanggang Agosto 2020

Magmula ng nilunsad ito hanggang taong 2015, ang iWantTV ay naging tahanan ng mga tsanel tulad ng NatGeo, ang Food Network, E!, CNN, at Cartoon Network. Ang mga partikular na nilalaman na ito ay inililipat sa isang bagong serbisyo na tinatawag na Sky On Demand na eksklusibo sa mga gumagamit ng Sky Cable. Noong Agosto 2015, mula sa pagtulungan ng iWantTV, StarFlix (isang dibisyon ng Star Cinema) at ng Wattpad, inilabas sa platform na ito ang Must Date the Playboy, na pinagbibidahan nina Kim Chiu, Xian Lim, na nasa direksyon ni Mae Cruz Alviar, ito ang unang pelikula na eksklusibong inilabas sa pamamagitan ng iWant TV at ng ABS-CBN Mobile.[4]

Noong 26 Setyembre 2016, ang pakikipagsosyo kasama ang PLDT at ang subsidiary nito ng Smart Communications ay inihayag sa isang seremonya na dinaluhan ni Eugenio Lopez III (Tagapangulo ng ABS-CBN), Carlo Katigbak (Pangulo at CEO ng ABS-CBN), Manny Pangilinan (Tagapangulo ng PLDT) at iba pang mga ehekutibo ng ABS-CBN, PLDT at Smart. Ang pakikipagsosyo ay magbibigay-daan sa mga gumagamit ng PLDT at Smart na magamit ang iWant TV website at ang mobile app nito.[5]

iWant (2018-2020)

Noong 16 Nobyembre 2018, ito ay inilunsad muli ang serbisyo na tinawag na bilang iWant, na ngayon ay nagbibigay-diin sa pagpapalabas at paggawa ng orihinal na mga programa o content, katulad ng Netflix at iFlix,[6] ilan sa mga naging orihinal na programa o nilalaman nito ay ang Spirits: Reawaken, Quezon's Game at ang Alamat ng Ano.[7] Ang Glorious at MA naman ay ilan lamang sa mga pelikulang iprinodyus ng kumpanya na eksklusibo sa nasabing platform. Noong Mayo 2019, nadagdagan pa ang nilalaman nito sa pagpasok ng mga programa katulad ng 2005 na bersyon ng Japanese animé series na Doraemon (na ipinapalabas sa Yey!, isang eksklusibong channel ng ABS-CBN TV Plus ).[8]

Bilang iWantTFC (2020-kasalukuyan)

Noong 1 Setyembre 2020 ay pormal ng pinagsama ang serbisyo ng iWant at TFC Online, upang ilunsad ito bilang iWant TFC, sa muling paglunsad nito, ito na ay nagagamit na saan man sa mundo.

Remove ads

Mga sinusuportahang aparato

Puwedeng ma-access ang iWant sa mga sumusunod na kagamitan:

Smart TVs

  • Samsung Smart TV (2016 & higher models only)
  • Roku Smart TV
  • Vewd
  • Vidaa

Streaming media players

  • Android TV
  • Chromecast
  • Nvidia Shield TV
  • Roku Players
  • Apple TV (2nd Generation to 5th Generation) via AirPlay
  • Chromecast with Google TV

Mga Sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads