Kapamilya Channel
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Kapamilya Channel ay isang himpilang pantelebisyong pansubskripsyon, na pagmamay-ari at pinapatakbo ng ABS-CBN Corporation, kumpanya na nasa ilalim ng López Group of Companies. Ang tsanel ay nakahimpil sa ABS-CBN Broadcasting Center sa Lungsod Quezon kung saan ito ay pormal na nagsahimpapawid noong 13 Hunyo 2020 sa ganap na 5:30n.u., kung saan ang unang inereng programa ay ang Kapamilya Daily Mass. Ito ay inilunsad kasabay ng ika-74 na anibersaryo ng kumpanya.[1] May hiwalay din na tsanel na may high definition 1080i resolution na nagsimula ring sumahimpapawid sa parehong araw. Ang himpilan ang nagsilbing kapalit sa operasyong terestriyal ng ABS-CBN pagkatapos nitong itigil ang operasyon sa free TV ayon na rin sa kautusan ng National Telecommunications Commission (NTC) noong 5 Mayo 2020, dahil sa pagkakapaso ng prangkisang panlehislatibo nito. Pinapalabas nito ang karamihan sa mga programa na inere ng ABS-CBN bago ang suspensiyon ng operasyong panterestriyal nito.[2] Matatagpuan ang estudyo ng himpilan sa ABS-CBN Broadcasting Center, Abenida ng Sergeant Esguerra, Barangay South Triangle, Diliman, Lungsod Quezon.
Remove ads
Mga Programa
Talasanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads