Ilocos Norte

lalawigan ng Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia

Ilocos Norte
Remove ads

Ang Ilocos Norte (Filipino: Hilagang Ilocos, Ilokano: Amianan nga Ilocos) ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Ilocos sa Luzon. Ang kabisera nito ay ang Lungsod ng Laoag at nakaharap ang lalawigan ng Ilocos Norte sa Dagat Luzón sa kanluran at sa Kipot ng Luzon sa hilaga. Matatagpuan ito sa hilagang-kanlurang bahagi ng pulo ng Luzon at ang hangganan nito sa silangan ay ang mga lalawigan ng Cagayan at Apayao, at sa timog ay ang mga lalawigan ng Abra at Ilocos Sur.

Agarang impormasyon Bansa, Rehiyon ...

Kilala ang lalawigan bilang pook kapanganakan ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Kilala rin ang lalawigan bilang isang lalawigan panturismo sa hilaga, kung saan matatagpuan ang Fort Ilocandia, isang magarang hotel at resort na tanyag sa mga banyaga.

Remove ads

Relihiyon

Bagaman karamihian ng mga mamamayan ng Pilipinas ay tagasunod ng Romano Katoliko, ang karamihan sa lalawigan ay naniniwala sa Simbahang Aglipay, na itinatag ng taal ng Batac na si Gregorio Aglipay.

Matatagpuan ang ilang mga tanyag na simbahang Katoliko sa lalawigan ng Ilocos Norte:

  • Simbahan ng Paoay Church (St. Augustine Church) - Napabiliang sa UNESCO World Heritage Site noong 1993.
  • St. William's Cathedral sa Laoag - Tanyag dahil sa Lumulubog na Tore ng Kampana
  • St. Monica Parish Church sa Sarrat - Itinalang pinakamalaking simbahan sa rehiyon ng Ilokos.
  • Simbahang ng Bacarra - nasira nang lumindol noong 17 Agosto 1983 ,[3] inayos at binuksang muli noong 1984.

Sa Ilocos Norte matatagpuan ang Dambana ng Aglipay, kung saan inilibing ang kataastaasang pinuno ng simbahan.

Remove ads

Heograpiya

Pampolitika

Thumb
Mapang pampolitika ng Ilocos Norte

Nahahati ang lalawigan ng Ilocos Norte sa 558 mga barangay, 21 bayan, at 2 lungsod.

Lungsod

Mga Bayan

Remove ads

Mga Sanggunian

Kawing Panlabas

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads