Imperyong Seleucid
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Imperyong Seleucid ( /s
ɪˈluːsɪd/; galing sa Griyego: Σελεύκεια, [Seleύkeia] Error: {{Lang}}: Di tugmang Non-latn text (pos 5: ύ)/Latn script subtag (tulong)) ay isang Griyego-Macedonianong Helenistikong estado na pinamunuan ng Dinastiyang Seleucid na itinatag ni Seleucus I Nicator kasunod ng paghahati ng imperyong nilikha ni Dakilang Alejandro pagkatapos ng kamatayan nito.[3][4][5][6] Natanggap ni Seleucus ang Babilonya at mula doon ay nagpalawig ng kanyang mga nasasakupan na nagsasama ng karamihan ng mga teritoryong silanganin ni Alejandro. Sa tugatog ng kapangyarihan nito, ito ay kinabibilangan ng sentral na Anatolia, Levant, Mesopotamia, Persia, Afghanistan, Turkmenistan, India at Pakistan.
Remove ads

Ang Imperyong Seleucid ay isang pangunahing sentro ng kulturang Helenistiko na nagpanatili ng kahigitan ng mga kustombre ng mga sinaunang Griyego kung saan ang mga elitistang pampolitika ay nanaig lalo na sa mga lugar na urbano.[6][7][8][9] Ang populasyong Griygo ng mga siyudad na bumuo ng mga nananaig na elitista ay napalakas ng emigrasyon mula sa Sinaunang Gresya.[6][7] Ang pagpapalawig na Seleucid tungo sa Anatolia at Gresya ay biglaang huminto pagkatapos ng mga pagkatalo nito sa mga hukbong Romano. Ang kanilang mga pagtatangka na talunin ang kanilang matandang kaaway na Ehiptong Ptolemaiko ay napigilan ng mga hinihingi ng mga Romano. Ang karamihan ng bahaging silangain ng imperyo ay nasako ng imperyong Parthian noong gitnang ika-2 siglo BCE sa ilalim ni Mithridates ng Parthia ngunit ang mga haring Seleucid ay patuloy na namuno sa isang estadong rump mula sa Syria hanggang sa pananakop ng haring Armeniano na si Dakilang Tigranes at kanilang huling pagpapatalsik sa kapangyarihan sa ilalim ng Romanong heneral na si Pompey.
Remove ads
Kasaysayan
Sinakop ni Dakilang Alejandro ang Imperyong Persa (Persian) sa ilalim ng huling haring Akemenida na si Dario III sa isang maikling panahon. Si Alejandro ay namatay nang bata at nag-iwan ng isang malawak na imperyo na naging Helenisadong kultura sa isang bahagi. Si Alejandro ay walang mga tagapagmana sa trono at ang imperyo ay inilagay sa kapangyarihan ng isang rehenteng si Perdiccas noong 323 BCE. Ang mga teritoryo ay hinati sa mga heneral ni Alejandro na naging mga satrap sa paghahati ng Babilonya noong 323 BCE.Partition of Babylon in 323 BC. Ang mga heneral ni Alejandro(ang Diadochi) ay nagtunggali sa mga bahagi ng imperyo. Si Ptolomeo na dating heneral at satrap ng Ehipto ang unang humamon sa unang sistema. Ito ay humantong sa pagpanaw ni Perdiccas. Ang paghihimagsik ni Ptolomeo ay humantong sa isang bagong subdibisyon ng imperyo sa paghahati ng Triparadisus noong 320 BCE. Si Seleucus na naging hepeng komander sa ilalim ni Pediccas mula 323 BCE ngunti tumulong na pumaslang sa kanya ay tumanggap ng Babilonya. Mula sa puntong ito, kanyang pinalawak nang walang habag ang kanyang nasasakupan. Itinatag mismo ni Selecus ang Babilonya noong 312 BCE na taong ginamit bilang petsa ng pagkakatatag ng Imperyong Seleucid. Hindi lamang ang Babilonya ang kanyang pinamunuan kundi pati ang buong bahaging silanganin ng imperyo ni Alejandro. Si Seleucus ay tumungo hanggang sa India kung saan pagkatapos ng 2 taong digmaan ay umabot sa isang kasunduan kay Chandragupta Maurya kung saan ay nakipagpalitan siya ng mga teritoryong silanganin para sa isang malaking pwers ang 500 elepanteng pangdigma na gumanap ng papel sa Ipsus noong 301 BCE. Pagkatapos ng pagwawagi ni Lysimachus kay Antigonus Monophthalmus sa labanan ng Ipsus, kinontrol ni Selecus ang silanganing Anatolia at hilagaang Syria. Sa huling sakop, kanyang itinatag ang isang bagong kabisera sa Antioquia sa Orontes na isang siyudad na ipinangalan sa kanyang ama. Ang kahaliling kabisera ay itinatag sa Seleucia sa Tigris na hilaga ng Babilonya. Umabot ang imperyo ni Seleucus sa pinakadakilang saklaw nito pagkatapos ng pagkatalos ng kanyang kaalyadong si Lysimachus sa Corupedion noong 281 BC. Pagkatapos ay pinalawig ni Seleucus ang kanyang imperyo sa kanluraning Anatolia. Umasa siyang karagdagang makokontrol ang mga lupain ni Lysimachus sa Europa pangunahin na sa Thrace at kahit sa mismong Macedonia ngunit pinaslang siya ni Ptolomeo Ceraunus sa kanyang pagtuntong sa Europa. Ang kanyang anak at kahaliling si Antiochus I Soter ay naiwanan ng isang malawak na nasasakupan na binubuo ng halos lahat ng mga bahaging Asyano ng Imperyo ngunit sa pagharap kina Antigonus II Gonatas sa Macedonia at Ptolomeo II Philadelphus sa Ehipto, napatunayan niyang hindi niya magawang ipagpatuloy ang pananakop ng kanyang ama sa mga bahaging Europeo ng imperyo ni Alejandro.
Remove ads
Mga pinunong Seleucid
Punong pamilya
Antiochus | Laodice | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Seleucus I Nicator Kg. 305–281 | Apama | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Achaeus | Stratonice | Antiochus I Soter Kg. 281–261 | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Andromachus | Antiochus II Theos Kg. 261–246 | Laodice I | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Achaeus Kg. 220–213 | Laodice II | Seleucus II Callinicus Kg. 246–226 | Antiochus Hierax Kg. 240–228 | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Seleucus III Ceraunus Kg. 226–223 | Antiochus III the Great Kg. 223–187 | Laodice III | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Seleucus IV Philopator Kg. 187–175 | Laodice | Antiochus IV Epiphanes Kg. 175–163 | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Apama | Demetrius I Soter Kg. 161–150 | Antiochus V Eupator Kg. 163–161 | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Alexander I Balas Kg. 150–146 | Cleopatra Thea | Demetrius II Nicator Kg. 145–125 | Antiochus VII Sidetes Kg. 138–129 | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Antiochus VI Dionysus Kg. 144–142 | Seleucus V Philometor Kg. 126–125 | Antiochus VIII Grypus Kg. 125–96 | Cleopatra | Antiochus IX Cyzicenus Kg. 116–96 | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Seleucus VI Epiphanes Kg. 96–95 | Antiochus XI Epiphanes Kg. 95–92 | Philip I Philadelphus Kg. 95–83 | Demetrius III Eucaerus Kg. 95–88 | Antiochus XII Dionysus Kg. 87–84 | Antiochus X Eusebes Kg. 95–83 | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Philip II Philoromaeus Kg. 69–63 | Antiochus XIII Asiaticus Kg. 69–64 | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads