Jyutping
paraan ng romanisasyon para sa wikang Kantones From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang jyutping, ay isang sistema ng romanisasyon para sa wikang Kantones na binuo noong 1993 ng Linguistic Society of Hong Kong (LSHK).
Ang pangalang Jyutping (ang mismong romanisasyong Jyutping ng Tsinong pangalan nito, 粵拼) ay pinaikling anyo ng opisyal na pangalan, at binubuo ito ng mga unang titik Tsino ng mga terminong jyut6 jyu5 (粵語, "Wikang Yue") at ping3 jam1 (拼音, "alpabetong ponetiko", binibigkas din bilang "pinyin" sa wikang Mandarin).
Sa kabila ng layunin nitong maging sistema sa pagpapahiwatig ng pagbigkas, ginamit din ito sa pagsulat ng Kantones bilang wikang alpabetiko — kaya, umaangat ang Jyutping mula sa katayuang pantulong tungo sa isang wikang sinusulat.
Remove ads
Kasaysayan
Lumilihis ang sistemang Jyutping[1] mula sa lahat ng mga dating sistema ng pagroromanisa ng Kantones (humigit-kumulang 12, kabilang dito ang gawaing pangunguna ni Robert Morrison noong 1828, at ang mga sistemang Pamantayang Romanisasyon, Yale at Sidney Lau na malawakang ginamit) sa pagpasok ng mga inisyal na z at c at sa paggamit ng eo at oe sa huli, pati sa pagpapalit ng y sa simula, na ginamit sa lahat ng mga dating sistema, ng j.[2]
Noong 2018, naisapanahon ito upang maisama ang -a at -oet sa huli, upang kumatawan sa mga pantig na kinikilala bilang bahagi ng ponolohiyang Kantones noong 1997 sa Jyutping Work Group ng Linguistic Society of Hong Kong.[3]
Remove ads
Mga inisyal
| b /p/ 巴 |
p /pʰ/ 怕 |
m /m/ 媽 |
f /f/ 花 |
|
| d /t/ 打 |
t /tʰ/ 他 |
n /n/ 那 |
l /l/ 啦 | |
| g /k/ 家 |
k /kʰ/ 卡 |
ng /ŋ/ 牙 |
h /h/ 蝦 |
|
| gw /kʷ/ 瓜 |
kw /kʷʰ/ 誇 |
w /w/ 蛙 | ||
| z /ts/ 渣 |
c /tsʰ/ 叉 |
s /s/ 沙 |
j /j/ 也 |
Mga pangwakas
- Mga pangwakas na m at ng lamang ang maaaring mag-isa bilang pahumal na pantig.
- ^ Ginagamit para sa mga elididong salita sa kaswal na pananalita gaya ng a6 in 四十四 (sei3 a6 sei3), hinango mula sa sei3 sap6 sei3.[3]
- ^ ^ ^ Tumutukoy sa kolokyal na pagbigkas ng mga salitang ito.
- ^ Ginagamit para sa mga onomatopeya tulad ng oet6 para sa pagdidighal o goet4 para sa paghihilik.
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads