Wikang Kantones

baryedad ng wikang Yue From Wikipedia, the free encyclopedia

Wikang Kantones
Remove ads

Ang wikang Kantones (Tsinong tradisyonal: 廣東話; Tsinong pinapayak: 广东话; Jyutping: Gwong2 dung1 waa2; Cantonese Yale: Gwóngdùng wá) ay ang tradisyonal na prestihiyosong baryante ng wikang Yue, isang wikang Sinitiko na bahagi ng pamilyang Sino-Tibetano, na may higit sa 85 milyong katutubong nagsasalita.[1] Nagmula ito sa lungsod ng Guangzhou (kilala bilang Canton dati) at sa nakapaligid na Delta ng Ilog Perlas.[2] Habang partikular na tumutukoy ang salitang Kantones sa prestihiyosong baryante, sa lingguwistika kadalasan itong ginagamit sa buong subgrupong Yue ng Tsino, kabilang dito ang mga magkaugnay ngunit bahagyang nagkakaunawaang baryante tulad ng Taishanes.

Agarang impormasyon Kantones, Katutubo sa ...

Itinuturing ang Kantones na isang mahalaga at di-mapaghihiwalay na bahagi ng kultural na identidad para sa mga katutubong nagsasalita nito sa malalaking bahagi ng timog-silangang Tsina, Hong Kong at Macau, gayundin sa mga komunidad nito sa ibang bansa. Sa kalupaang Tsina, ito ang lingguwa prangka ng lalawigan ng Guangdong (bilang ang pangunahing wika ng Delta ng Ilog Perlas) at mga karatig na lugar tulad ng Guangxi. Ito rin ang nangingibabaw at ko-opisyal na wika ng Hong Kong at Macau. Higit pa rito, malawakang sinasalita ang wikang Kantones ng mga Tsino sa Timog-silangang Asya (lalo na sa Biyetnam at Malasya, gayundin sa Singapura at Kambodya sa mas mababang antas) at sa mundong Kanluranin.[2][3]

Bagaman may maraming kahawig na bokabularyo ang Kantones sa Mandarin at iba pang uri ng wikang Tsino, hindi nagkakaunawaan ang mga wikang Sinitiko, pangunahin dahil sa mga pagkakaiba sa tunog, ngunit pati na rin sa mga pagkakaiba sa gramatika at bokabularyo. Minsan nagkakaiba ang istraktura ng pangungusap sa dalawang uri, lalo na ang puwesto ng pandiwa. Isang kapansin-pansing pagkakaiba ng Kantones at Mandarin ang pagkakasulat ng mga sinalita; maaaring irekord ang dalawa nang salita por salita, ngunit kakaunt lamangi ang mga nagsasalita ng Kantones na may kaalaman sa buong nakasulat na anyo ng bokabularyong Kantones, kaya gagamitin na lang ang pormalisadong pagkasulat na di-berbatim, na mas katulad sa nakasulat na Pamantayang Mandarin.[4][2] Subalit, di-berbatim lamang ito pagdating sa bernakular na Kantones dahil posibleng basahin ang Pamantayang Tsino nang salita por salita sa pormal na Kantones, madalas na may kaunting pagbabago lamang sa leksikon na opsiyonal depende sa piniling rehistro ng mambabasa.[3] Nagreresulta ito sa sitwasyon kung saan maaaring magkamukha ang tekstong Kantones at tekstong Mandarin ngunit magkaiba ang pagbigkas. Sa kabaligtaran, kadalasang ginagamit ang nakasulat na (bernakular na) Kantones sa mga di-pormal na sitwasyon tulad ng hatirang pangmadla at mga komiks.[4][2]

Remove ads

Mga pangalan ng Kantones

Agarang impormasyon Kantones ...

Maaaring tumukoy ang "Kantones" sa iba't ibang bagay. Ang paggamit ng "Kantones" sa pagtukoy ng wika na katutubo sa lungsod ng Kanton, ang tradisyonal na pangalan ng Guangzhou sa Ingles, ay pinasikat ng An English and Cantonese Pocket Dictionary ("Pambulsang Diksiyonaryo ng Ingles at Kantones", 1859), isang pinakamabenta ng misyonero na si John Chalmers.[5] Bago ang 1859, madalas itong tinawag na "diyalektong Kanton" sa wikang Ingles.[6][5]

Subalit maaari ring tumukoy ang Kantones sa pangunahing sangay ng Tsino na kinabibilangan ng Kantones mismo pati Taishanes at Gaoyang; maaaring tawagin itong mas malawak na paggamit na "pananalitang Yue" (粵語; 粤语; Jyut6 jyu5; Yuhtyúh). Sa artikulong ito, ginagamit ang "Kantones" para sa wikang Kantones mismo.

Remove ads

Halimbawa

Ang sumusunod ay isang halimbawang teksto sa wikang Kantones ng Artikulo 1 ng Pangkalahatang Pagpapahayag ng Karapatang Pantao at salin sa wikang Tagalog.

Karagdagang impormasyon Cantonese, IPA ...
Remove ads

Talababa

  1. De paktong sinasalitang wika—habang walang partikular na baryedad ng Tsino na opisyal sa Hong Kong, Kantones ang pangunahing uri na sinasalita at ang de paktong pamantayan sa pagsasalita sa rehiyon. Nagtataguyod ang gobyerno ng Hong Kong ng trilingguwalismo sa Kantones, Mandarin, at Ingles, lalo na sa pampublikong edukasyon.
  2. De paktong sinasalitang wika—habang walang partikular na baryedad ng Tsino na opisyal sa Macau, Kantones ang pangunahing uri na sinasalita at ang de paktong pamantayan sa pagsasalita sa rehiyon. Nagtataguyod ang gobyerno ng Macau ng Kantones, Mandarin, Portuges, at Ingles, lalo na sa pampublikong edukasyon.

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads