Cucurbita

From Wikipedia, the free encyclopedia

Cucurbita
Remove ads

Ang Cucurbita (Latin para sa 'gurd')[2][3] ay isang genus ng mga bungang mala-damo sa pamilyang gurd na Cucurbitaceae (na kilala din bilang mga cucurbit o cucurbi), na katutubo sa Andes and Mesoamerika. Limang nakakaing espesye ang pinalalaki at kinakain para sa kanilang laman at buto. Kilala sila sa iba't ibang pangalan tulad ng squash, kalabasa, o gurd, depende sa espesye, uri, at lokal na pananalita.[a] Katutubo naman ang ibang uri ng gurd, na tinatawag din na upo, sa Aprika at kasapi sa genus na Lagenaria, na nasa parehong pamilya at subpamilya tulad ng sa Cucurbita, subalit nasa ibang tribo, kinakain ang kanilang batang bunga tulad sa yaong mga espesye ng Cucurbita.

Agarang impormasyon Klasipikasyong pang-agham, Kasingkahulugan ...

Karamihan sa mga espesye ng Cucurbita ay mala-damo na mga baging na lumalaki ng ilang metro ang haba at may mga pangkuyapit, subalit ang di-bumabaging na "palumpong" na kultibar ng C. pepo at C. maxima ay lumalago din. May dalawang uri ang dilaw o kahel na mga bulaklak sa isang halamang Cucurbita: babae at lalaki. Gumagawa ang mga babaeng bulaklak ng prutas at gumagawa ang mga lalaki na bulaklak ng bulo. Maraming mga espesye ng Hilaga at Gitnang Amerika ang binibisita ng mga dalubhasang mambubulo ng bubuyog, subalit bumibisita din ang iba pang mga insekto na may mas pangkalahatang mga gawi sa pagpapakain, tulad ng mga pukyutan.

Mayroong pagtatalo tungkol sa taksonomiya ng genus at nag-iiba ang bilang ng mga tinatanggap mula 13 hanggang 30. Ang limang domestikadong espesye ay Cucurbita argyrosperma, C. ficifolia, C. maxima, C. moschata, at C. pepo, na maaaring ituring lahat bilang winter squash o squash ng tag-niyebe dahil maaaring itago ang mga hinog na prutas sa loob ng ilang buwan. Gayunpaman, kasama ang si C. pepo sa ilang mga kultibar na mas mahusay na gamitin lamang bilang squash sa tag-init o summer squash.

Ang mga bunga ng genus na Cucurbita ay mahusay na pinagmumulan ng mga sustansya, tulad ng bitamina A at bitamina C, bukod sa iba pang mga sustansya depende sa mga espesye. Maraming gamit ang mga prutas sa pagluluto kabilang ang pumpkin pie (empanadang kalabasa), biskwit, tinapay, panghimagas, puding, inumin, at sopas; sila ngayon ay nilinang sa buong mundo. Bagama't mga botanikal na prutas, ang mga gurd na Cucurbita tulad ng kalabasa ay karaniwang niluluto at kinakain bilang mga gulay. Nakikita ng mga kalabasa ang iba't ibang paggamit, at kinakain ito bilang mga gulay at bilang mga panghimagas tulad ng pumpkin pie.

Remove ads

Mga pananda

  1. Hinggil sa malawak na baryasyon sa kung papaano ginagamit ang mga katawagang squash, kalabasa, at gurd, kahit sa mga akademya, sa artikulong ito, maaring tukuyin ng katawagang Ingles na squash ang kahit anumang kasapi ng genus na Cucurbita. Ginagamit ang kalabasa at gurd upang tukuyin ang mga espesye, uri, at kultivar na karaniwang tumutukoy sa mga ganoong katawagan.[4]

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads