Domestikasyon

From Wikipedia, the free encyclopedia

Domestikasyon
Remove ads

Ang domestikasyon ay isang proseso kung saan ang isang populasyon ng mga hayop o halaman ay nabago sa lebel na henetiko sa isang proseso ng seleksiyon upang palakasin ang mga katangian na magiging kapakinabangan sa mga tao. Ang domestikasyon ay iba sa pagpapaamo sa dahilang sa domestikasyon, ang pagbabago sa ekspresyong penotipo at henotipo ng hayop ay nangyayari samantalang ang pagpapaamo ay simpleng proseso kung saan ang mga hayop ay nasanay sa presensiya ng tao. Sa Konbensiyon ng Dibersidad na Biolohiko, ang isang domestikadong espesye ay inilalarawan bilang "isang epesye na ang prosesong ebolusyonaryo ay naimpluwensiyahan ng mga tao upang matagpo ang mga pangangailangan nito".[1] Kaya ang naglalarawang katangian ng domestikasyon ay ang artipisyal na seleksiyon nito ng mga tao. Nadala ng mga tao ang mga populasyong hayop na ito sa ilalim ng kontrol at pangangalaga nito sa malawak na mga dahilan: upang mag prodyus ng pagkain o mahahalagang mga komoditad (gaya ng lana, bulak, silk), para tumulong sa iba't ibang mga uri ng paggawa (gaya ng pagiging sasakyan, proteksiyon at para sa digmaan), pagsasaliksik siyentipiko o simpleng bilang kasama o bilang palamuti. Sa paglipas ng libo libong mga taon, ang maraming mga domestikadong espesye ay naging buong hindi katulad ng mga natural na ninuno nito. Ang tenga ng mais ay dosenang mga beses na ngayon ng sukat ng mga ligaw na ninuno nitong teosinte. Ang isang parehong pagbabago ay nagbago sa ligaw na mga strawberry at domestikadong strawberry.

Thumb
Ang mga aso at tupa ay kabilang sa mga unang hayop na dinomestika ng tao.
Thumb
kanan: teosinte, kanan: mais, gitna: hybrid ng mais-teosinte
Remove ads

Kasaysayan

Inilarawan ni Charles Darwin kung paanong ang proseso ng domestikasyon ay kinasasangkutan ng parehong mga elementong may kamalayan at metodikal. Ang rutinang mga interaksiyon ng mga tao sa mga hayop at halaman ay lumilikha ng mga presyur na seleksiyon (pagpili) na nagsasanhi sa pang-aangkop (adaptation) habang ang espesye ay nagbabago sa presensiya ng tao, paggamit o kultibasyon. Ang sinasadyang selektibong pagpaparami (selective breeding) ay ginagamit rin upang lumikha ng ninanais na pagbabago na kadalasan ay pagkatapos ng simulang domestikasyon. Ang mga pwersang ito, walang kamalayang natural na seleksiyon at metodikal na pagpaparaming selektibo ay maaaring parehong gumampan ng mga papel sa mga proseso ng domestikasyon sa buong kasaysayan.[2] Ang parehong ito ay inilarawan mula sa perpsektibo ng tao bilang mga proseso ng seleksiyong artipisyal. Ang domestikasyon ng trigo ay nagbibigay ng isang halimbawa. Ang mga ligaw o lagalag na trigo ay nahuhulog sa lupa upang muling binhian ang sarili nito kapag hinog na ngunit ang mga domestikadong trigo ay nanatili sa tangkay para sa mas madaling pag-aani. May ebidensiya na ang mahalagang pagbabagong ito ay nangyari sanhi ng isang randomang mutasyon malapit sa pagsisimula ng kultibasyon ng trigo. Ang trigo na may mutasyong ito ay inaani at nagiging buto para sa susunod na panananim. Kaya sa hindi pagkakatanto, ang mga sinaunang magsasaka ay pumili para sa mutasyong ito na kundi ay mamamatay. Ang resulta ay ang domestikadong trigo na umaasa sa mga magsasaka para sa sarili nitong reproduksiyon at pagkalat.[3] Ang mutasyon ang hindi tanging paraan kung saan ang artipisyal na seleksiyon at natural na seleksiyon ay gumagana.

Inilarawan ni Darwin kung paanong ang mga natural na bariasyon sa mga indbidwal na halaman at hayop ay sumusuporta rin sa seleksiyon ng mga bagong katangian. Ipinagpalagay na ang mas maamong aberahange mga lobo na may kaunting takot sa mga tao ay pumili ng sarili nito bilang mga domestikong aso sa loob ng maraming mga henerasyon. Nagawa ng mga lobong ito na yumabong sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tao upang maghanap ng pagkain malapit sa mga apuyan at basurahan ng mga tao. Kalaunan, ang isang simbiyotikong relasyon ay umunlad sa pagitan ng mga tao at mga proto-asong ito. Ang mga aso ay kumakain , mga itinapong pagkain at natagpuan ng mga tao na ang aso ay makapagbababala sa mga ito sa papalapit na panganib, tumulong sa pangangaso, magsilbing mga alagang hayop[4] , magbigay ng init o magdagdag sa suplay ng pagkain ng mga ito. Habang nagpapatuloy ang relasyong ito, ang tao ay kalaunang nagpanatili ng mga nagpaamo sa sariling mga lobo at nagparami ng mga ito sa mga uri ng hayop na umiiral sa modernong panahon.

Sa mga kamakailang panahon, ang selektibong pagpaparami ay mahusay na nagpapaliwanag kung paano ang nagpapatuloy na mga proseso ng domestikasyon ay kadalasang gumagana. Ang ilang mga mahusay na alam na ebidensiya ng kapangyarihan ng selektibong pagpaparami ay nagmula sa eksperimento ng siyentipikong Ruso na Dmitri K. Belyaev noong mga 1950. Ang kanyang pangkat ay gumugol ng maraming mga taon sa pagpaparami ng mga silver fox (Vulpes vulpes) at pumili lamang ng mga indibidwal na nagpakita ng kaunting takot sa mga tao. Kalaunan, pinili lamang ng pangkat ni Belyaev ang mga fox na nagpakita ng pinaka-positibong tugon sa mga tao. Siya ay nagkamit ng isang populasyon ng mga kulay gray na fox na ang pag-aasal at hitsura ay malaking nabago. Ang mga napiling ito ay hindi na nagpapakita ng anumang takot sa mga tao at karaniwang nagwawagayway ng mga buntot nito at dumidila sa mga tagapag-alang tao upang magpakita ng pagmamahal sa mga ito. Ang mga fox na ito ay may mas hindi matigas na mga tenga, nakaikot na mga buntot at ibang mga katangiang karaniwang matatagpuan sa mga aso.[5] Sa kabila ng tagumpay ng eksperimentong ito, lumilitaw na ang selektibong pagpaparami ay hindi palaging nagkakamit ng domestikasyon. Ang mga pagtatangka na idomestika ang maraming mga uri ng ligaw na mga hayop ay naging hindi matagumpay. Ang halimbawa nito ang zebra. Bagaman ang apat na espesye ng zebra ay maaaring makipagtalik sa at bahagi ng parehong henus sa mga kabayo at asno, ang mga pagtatangka sa domestikasyon ng mga ito ay nabigo.[6] Ang mga paktor gaya ng temperamento, istrakturang panlipunan at kakayahan na dumami o magtalik sa pagkakabihag ng mga hayop na ito ay gumagampan ng isang papel sa pagtukoy kung ang isang espesye ay matagumpay na madodomestika.[2] Sa kasaysayan ng tao hanggang sa ngayon, ang tanging ilang mga espesye ng malalaking mga hayop ay nadomestika.

Mga hayop

Thumb
Ang bakang Hereford na dinomestika para sa karne nito.

Ayon sa biologong ebolusyonaryong si Jared Diamond, ang espesye ng hayop ay dapat magtagpo sa anim na kriterya upang maisaalang alang para sa domestikayon.[7] Ang mga ito ang: mababagong diyeta, kakayahan na maparami o mapagtalik sa pagkakabihag nito, kaaya-ayang disposisyon, temperamento at mababagong herarkiyang panlipunan nito.

Talaan ng mga dinomestikang hayop ng mga tao

Karagdagang impormasyon Espesye at subespesye, Ligaw na ninuno nito ...

Semidomestikado, rutinang nabibihag-bred, o ang estado ng domestikasyon ay hindi malinaw

May mga hayop na malawak na ginamit o inalagaan bilang mga hayop ng mga tao ngunit hindi malaking nabago mula sa mga uring ligaw na hayop. Ang karamihan ng mga hayop sa tablang ito ay kahit papaano medyo nabago mula sa mga ninuno nitong ligaw sa pamamagitan ng malawak na pakikipag-ugnayan nito sa mga tao. Ang marami ay hindi maaaring palayain sa kaparangan o sa isang paraan ay nakasalalay sa mga tao.

Karagdagang impormasyon Espesye at subespesye, Ligaw(wild) na ninuno nito ...

Mga halaman

Thumb
Ang mapang ito ay nagpapakita ng mga lugar ng domestikasyon ng ilang halimbawa ng mga pananim. Ang mga lugar kung saan ang pananim ay simulang dinomestika ay tinatawag na mga sentro ng pinagmulan.

Gaya ng mga hayop, ang mga halaman ay dinomestika rin ng mga tao para sa kapakanibangan ng mga ito. Ang mga dinomestikang halamang ito mula sa mga ligaw na ninuno nito ay kinabibilangan ng saging, mansanas, ubas at marami pang iba. Ang mga pinakaunang mga pagtatangkang pantao sa pagdodomestika ng halaman ay nangyari sa Timog-Kanluraning Asya. May sinaunang ebidensiya para sa may kamalayang kultibasyon at pagpili ng pag-aasal ng mga halaman sa bago ang Neolitikong mga pangkat sa Syria. Ang mga butil ng rye na may mga dometikong katangian ay narekober mula sa mga kontekstong epi-Paleolitiko(mga 11,050 bago ang kasalukuyan) sa Abu Hereyra sa Syria[28] ngunit ito ay lumilitaw na isang lokalisadong phenomenon na nagresulta mula sa kultibasyon ng mga tayo ng ligaw na rye kesa sa depinitibong hakbang tungo sa domestikasyon. Noong 10,000 BCE, ang halamang bottle gourd (Lagenaria siceraria) na ginamit bilang isang lalagyan bago ang pagdating ng teknolohiyang seramiko ay lumilitaw na dinomestika. Ang domestikadong bottle gourd ay umabot sa mga Amerika mula sa Asya noong 8000 BCE na pinakamalamang na sanhi ng migrasyon ng mga tao mula sa Asya tungo sa Amerika.[29] Ang mga pananim na cereal ay unang dinomestika noong 9000 BCE sa Matabang Gasuklay sa Gitnang Silangan. Ang unang mga domestikadong pananim ay pangkalatahang mga taunan na may mga malalaking buto o mga prutas. Ang mga ito ay kinabibilangan ng mga pulse gaya ng mga gisantes(pea) at mga butil gaya ng trigo. Ang Gitnang Silangan ay lalong angkop sa mga espesyeng ito. Ang tuyong tag-init ay kaaya-aya sa ebolusyon ng mga may malalaking butong taunang halaman at ang iba't ibang mga matataas na lugar ay tumungo sa malaking iba ibang uri ng espesye. Habang ang domestikasyon ay nangyayari, ang mga tao ay nagsimulang lumipat mula sa pagiging lipunang mangangaso-tagatipon tungo sa isang nailagay na pamayanang agrikultural. Ang patuloy na domestikasyon ay unti-unti na isang proseso ng pagsubok at pagkakamali na nangyayari nang pahinto hinto. Sa paglipas ng mga panahon, mga perennial at mga maliliit na mga puno ay nagsimulang idomestika kabilang ang mga mansanas at olibo. Ang ilang mga halaman ay hindi nadomestika hanggang kamakailan lamang gaya ng maning macadamia at pecan. Sa ibang mga bahagi ng daigdig, ang iba't ibang mga espesye ng halaman ay dinomestika. Sa mga Amerika, ang kalabasa, mais at sitaw(bean) at marahil ay kamoteng kahoy ay bumubuo ng diyeta dito. Sa Silangang Asya, ang millet, bigas at soya ang pinakamahalagang mga pananim. Ang mga domestikadong espesye ng halaman ay kadalasang nag-iiba mula sa mga ligaw na kamag-anak nito sa mga mahuhulaang paraan. Ang mga pagkakaibang ito ay tinatawag na sindromang domestikasyon at kinabibilangan [30] mas mataas na mga rate ng herminasyon, mas mahuhulaan at sabay sabay na herminasyon, tumaas na sukat ng mga organong reproduktibo nito, isang kagawian para sa mga hinog na buto na manatili sa halaman kesa matanggal at mahulog sa lupa, nabawasang mga pagtatanggol na pisikal at kemikal at pagbabago sa paglalaang biomasa.

Remove ads

Mga mikrorganismo

Kabilang sa mga dinomestikang mikroorganismo para sa pagkain ng tao ang: kabute, lebadura(paghuhurno, paggawa ng alak at pagluluto), mga amag(para sa paggawa ng keso, tempeh, Quorn, Pu-erh at ilang mga sausage, bakterya(para sa keso, yogurt, kephir, buttermilk, maasim na krema at kombucha tea). Ang mga dinomestikang mikroorganismo para sa medisina at agham ang mga virus(para sa mga bakuna at pagsasaliksik), bakterya(para sa paggawa ng mga droga) at mga amag(para sa paggawa ng mga antibiotiko).

Remove ads

Tignan din

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads