Mangifera

From Wikipedia, the free encyclopedia

Mangifera
Remove ads

Ang mangga (Ingles: mango) ay kabilang sa genus Mangifera, na binubuo ng ilang mga uri na namumungang puno sa namumulaklak na halaman ng pamilya ng Anacardiaceae. Likas ang mangga sa subkontinente ng Indiyan lalo na sa Indiya, Pakistan, Bangladesh, at Timog-silangang Asya.[1] Napakaraming klase at karaniwang kulay ang prutas nito: may dilaw, luntian o pula. Kakaiba ang amoy na aromatikong ng prutas nito na maaaring gamitin sa iba't-ibang sangkap o pabango. Prinipriserba rin ang mangga at ginagawang panghimagas o pansangkap sa iba't ibang pagkain.

Agarang impormasyon Mangga, Klasipikasyong pang-agham ...
Thumb
Mga bulaklak ng puno ng mangga.

May iba't ibang uri ng mangga: may manggang indiyano, kinalabaw, piko o manggang mansanas. Tumutubo ang mangga sa mga bansang tropikal ngunit maaari ring tumubo ito sa mga lugar na malamig katulad ng Amerika. Umaabot ang taas ng mangga mula 50 hanggang 80 talampakan, inaalagaan ang puno ng mangga sa pamamagitan ng pagbuga ng mga gamot laban sa insekto. Sa Pilipinas, partikular sa Zambales at Guimaras, niluluwas ito palabas ng bansa para pagkakitaan.

Thumb
Isang puno ng mangga na hitik sa bulaklak sa Kerala, India
Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads