Marawi
lungsod ng Pilipinas at kabisera ng lalawigan ng Lanao del Sur From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Marawi (Maranao: Inged a Marawi) o Islamikong Lungsod ng Marawi ay isang lungsod at ang kabisera ng lalawigan ng Lanao del Sur sa Rehiyong Awtonomo ng Bangsamoro sa Muslim Mindanao.[4] Batay sa senso 2015, mayroon itong populasyon na 201,785 katao.
Tinatawag ang mga mamamayan ng Marawi na mga Maranao at nagsasalita ng Wikang Maranao. Hinango ang kanilang pangalan mula sa Lawa ng Lanao, na tinatawag na Meranau sa kanilang wika, kung saang nasa dalampasigan nito ang Marawi. Kilala rin ang lungsod bilang "Kabiserang Pantag-init ng Katimugan" dahil sa mas-mataas na elebasyon nito at mas-malamig na klima.[5] May gayon ding palayaw ang Malaybalay na opisyal na humahawak ng titulong ito. Ayon sa senso ng 2024, ito ay may populasyon na 259,993 sa may 30,839 na kabahayan. Taong 2017 sa pagbabago ng Pederalismo sa Pilipinas ang Marawi ang (kapitolyo) ng BangsaMoro.
Noong Mayo 23, 2017, nakaranas ng malawakang pinsala ang lungsod sa kasagsagan ng Labanan sa Marawi, kung saang sumalakay sa lungsod at nakidigma ang mga militanteng kaanib ng Islamikong Estado ng Irak at Levant. Tumagal ang sumunod na labanan hanggang Oktubre 23, 2017 nang inihayag ni Kalihim Delfin Lorenzana ng DND ang pagtatapos ng labanan. Ang pangunahing pinsala sa lungsod ay karamihang sanhi ng mga pagbomba mula sa himpapawid na isinagawa ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas habang sinusubukang palayasin ang mga militante.
Remove ads
Heograpiya

May kabuuang sukat na 8,755 ektarya (21,630 akre). [2] ang Lungsod ng Marawi. Matatagpuan ito sa dalampasigan ng Lawa ng Lanao. Naghahanggan ito sa hilaga sa bayan ng Kapai at Saguiaran; at sa timog ng Lawa ng Lanao; sa bayan ng Bubong at Ditsaan-Ramain; sa silangan, at sa mga bayan ng Marantao at Saguiaran.
Topograpiya
Mga bundok, burol, lambak, at ang malawak na lawa ang bumubuo sa tanawin ng lungsod.
Remove ads
Mga Barangay
Ang Lungsod ng Marawi ay nahahati sa 96 na mga barangay.
|
|
|
Remove ads
Demograpiko
Wika
Malawakang ginagamit ang Maranao o Meranaw sa lungsod; ngunit, nakasasalita rin ang pampook na mga mamamayan ang Sebwano, Maguindanao, Iranun, Ingles, at Arabe.
Sanggunian
Mga panlabas na kawing
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads