Menes
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Si Menes, Mena, Meni, Min, o Narmer ay isang pinuno ng pang-itaas na bahagi ng Sinaunang Ehipto. Naghari siya sa buong Ehipto sa loob ng 62 mga taon. Asawa niya si Neith-hetep.[5][6]

Ukol sa pangalan
Isang pansarili o personal na pangalan ang Menes. Bilang pinuno, gumamit si Menes ng ibang pangalan. Kabilang dito ang Narmer, Panginoon ng Dalawang mga Lupain.[5]
Pananakop at paghahari
Sinakop niya ang delta ng ilog ng Nilo ng Pang-ibabang Ehipto noong mga 2850 BK o 2925 BKE.[5][6] Sa pamumuno niya ng Pang-itaas na Ehipto, nagsuot si Menes ng isang puting koronang kahugis ng koniko o binaligtad na apa ng sorbetes. Bilang paghahambing, kulay pula ang putong na korona sa ulo ng mga namahala ng Pang-ibabang Ehipto. Pagkaraang masakop ni Menes ang Pang-ibabang Ehipto, dalawa ang sinuot niyang korona: nakapaloob ang puting korona sa loob ng kulay pulang korona. Siya ang unang hari sa kasaysayan ng Ehipto na nakapag-isa ng Ehipto.[5]
Remove ads
Mga ginawa bilang hari
Bilang hari ng buong Ehipto, nagtatag siya ng isang kabiserang lungsod para sa kanyang dalawang kaharian. Itinatag niya ito sa Memphis na nasa timog-kanluran ng Cairo. Napapaligiran ang sitadela o pook-tanggulan (kuta o moog) nito ng puting pader.[5]
Kamatayan
Namatay siya dahil sa pagkakapaslang sa kanya ng isang hipopotamus. Pagkaraang sumakabilang buhay ni Menes, itinuring siya bilang isang diyos.[5]
Tingnan din
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads
