San Fernando, Pampanga
lungsod ng Pilipinas at kabisera ng lalawigan ng Pampanga From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Lungsod ng San Fernando, (Kapampangan: Lakanbalen ning San Fernando, Ingles: City of San Fernando) ay isang lungsod sa probinsiya ng Pampanga. Ito ang kabiserang lungsod ng Pampanga at ang sentrong panrehiyon ng Gitnang Luzon (Rehiyon III). Ang lungsod ay kilala sa mga parol nito at binansagang "Christmas Capital of the Philippines" (Kabiserang Pangkapaskuhan ng Pilipinas). Ang taunang Giant Lantern Festival (Pista ng mga Higanteng Parol) ay isinasagawa ng lungsod tuwing Disyembre.
Ayon sa senso ng 2024, ito ay may populasyon na 377,534 sa may 86,217 na kabahayan. Ito ay may layong 67 kilometro mula sa Maynila, 50 kilometro mula sa Look ng Subic sa probinsiya ng Zambales at 16 na kilometro mula sa Paliparang Clark sa Lungsod ng Angeles. Ang lungsod ay nasa gitna ng mga sanga-sangang kalsada sa Gitnang Luzon. Ang lungsod ay ipinangalan kay Fernando VI ng Espanya at inilagay sa pangangalaga ni San Fernando, Hari ng Castile at Leon, kung saan ang kapistahan ay ipinagdiriwang tuwing Mayo 30.
Taong 2017 sa pagbabago ng Pederalismo sa Pilipinas, Ang lungsod ng San Fernando ang hinirang pa rin bilang kapitolyo sa Gitnang Luzon.
Remove ads
Mga dating alkalde
CAPITANES MUNICIPALES[3]
|
|
|
PRESIDENTES MUNICIPALES
|
REPUBLIKA NG PILIPINAS
|
Remove ads
Pagkalungsod
Noong 6 Enero 1997, si Alkalde Rey B. Aquino at Senadora Gloria Macapagal-Arroyo ay nagpasimula ng kampanya para sa pagkalungsod. Noong Abril 27 ng taong ding iyon, si Rep. Oscar Rodriguez ay naghain ng House Bill blg. 9267 na gagawa ng Lungsod ng San Fernando.
Noong 2000, pinirmahan nina Ispiker ng Mababang Kapulungan Arnulfo Fuentebella at Pangulo ng Senado Aquilino Q. Pimintel ang tsarter ng lungsod ng San Fernando noong Disyembre 4 at 13.
Ang bayan ay opisyal na naging lungsod na komponente noong 4 Pebrero 2001 matapos ang ratipikasyon ng Republic Act 8990 na nilikha ni Rep. Oscar Rodriguez sa isang plebisito noong nakaraang araw. Si Dr. Rey B. Aquino ang naging unang alkalde ng lungsod. Ang ratipikasyon ng Republic Act 8990 ang naging daan upang maging ika-99 na lungsod ng Pilipinas ang San Fernando.
Remove ads
Mga barangay
Ang Lungsod ng San Fernando ay nahahati sa 35 barangay.
|
|
|
Ekonomiya
Matatagpuan sa puso ng probinsiya, ang Lungsod ng San Fernando ay may 2 pampublikong palengke, 39 na bangko, 48 na imbestor, 38 na sanglaan, 17 gasolinahan, 3 sinehan, 29 pribado at pampublikong paaralan, 7 ospital, 13 opisinang pandentista, 9 na otel, 28 na tindahan ng mga gamot, 7 disco, 6 na palitan ng pera, 15 pabrika ng damit, 24 na groseri, 7 supermarket, 42 kompanya ng insurance, 16 ahente ng seguridad, 70 restorant at fast food chains. Bukod sa pagiging kabisera ng Pampanga, halos lahat ng Pilipinong bankong institusyon, militar at mga ahensiya ng gobyerno ay may opisinang panrehiyon sa lungsod.
Remove ads
Demograpiko
Remove ads
Mga sanggunian
Mga Kawing Panlabas
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads