DXFM

From Wikipedia, the free encyclopedia

DXFM

Ang DXFM (101.9 FM), sumasahimpapawid bilang FM Radio 101.9, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari ng Nation Broadcasting Corporation at pinamamahalaan ng Philippine Collective Media Corporation, habang nasa ilalim ng pag-apruba ng regulasyon sa paglipat ng mga ari-arian. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa 3rd Floor, Eduardos Business Center, Mabini St, Tagum, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa Shrine Hills, Matina, Lungsod ng Davao.[1]

Agarang impormasyon Pamayananng lisensya, Lugar na pinagsisilbihan ...
FM Radio Davao (DXFM)
Thumb
Pamayanan
ng lisensya
Lungsod ng Davao
Lugar na
pinagsisilbihan
Kalakhang Dabaw at mga karatig na lugar
Frequency101.9 MHz
Tatak
  • FM Radio 89.5 DavNor
  • FM Radio 101.9 Davao
Palatuntunan
WikaCebuano, Filipino
FormatContemporary MOR, OPM
NetworkFavorite Music Radio
AffiliationDWPM/TeleRadyo Serbisyo
ABS-CBN News (for TV Patrol newscast)
PRTV Prime Media (for Arangkada Balita newscast)
Pagmamay-ari
May-ariNation Broadcasting Corporation
OperatorPhilippine Collective Media Corporation (nasa ilalim ng pag-apruba ng regulasyon sa paglipat ng mga ari-arian)
Through NBC:
DXAN-TV (operated by TV5)
Kaysaysayn
Unang pag-ere
1975
Dating pangalan
  • MRS 101.9 (1975–1998)
  • Danni @ Rhythms 101.9 (1998–2005)
  • Danni 101.9 (2005–2009)
  • Wav FM (2009–2011)
  • Radyo5 True FM (2011–2024)
  • FM Radio 92.3 relay (Nobyembre–Disyembre 2024)
Kahulagan ng call sign
Frequency Modulation
Favorite Music Radio
Impormasyong teknikal
Awtoridad na naglisensiya
NTC
Power10,000 watts
ERP32,000 watts
RepeaterTagum: 89.5 MHz
Link
WebcastListen Live
Isara

Kasaysayan

Itinatag ang himpilang ito noong Pebrero 1, 1975 bilang MRS 101.9 (Most Requested Song) na may adult contemporary format.

Noong Setyembre 1, 1998, pagkatapos nung binili ng MediaQuest, na pinagmamay-ari ng PLDT, ang NBC mula sa pamilya Yabut family at Manny Villar, muling binansagan ang himpilang ito bilang Danni @ Rhythms 101.9 na may urban contemporary na format. Noong Agosto 1, 2005, naging Danni 101.9 ito.

Noong Oktubre 1, 2009, kinuha ng Audiowav Media (WAV Atmospheric) ang mga operasyon ng mga himpilan ng NBC sa Visayas at Mindanao na muling inilunsad bilang WAV FM. Meron itong Top 40 format na binansagang "Philippines' Hit Music Station".[2]

Noong Disyembre 1, 2011, kinuha ng TV5 ang operasyon ng himpilang ito na ginawang riley ng 92.3 News FM na nakabase sa Maynila. Noong Disyembre 3, 2012, inilunsad ito bilang Radyo5 101.9 News FM na may balita at talakayan na format na may sariling lokal na programa.[3][4]

Noong Oktubre 5, 2020, kinuha ng lokal na KAMM Media Network ang pang-umagang operasyon ng himpilang ito bilang blocktime.

Noong Marso 11, 2024, pinalitan ng Radyo5 ang sub-brand nito sa True FM binansagan ito na "Diri Kita sa Totoo!".

Noong Nobyembre 1, 2024, sinimulan nito ang pag-riley sa 106.7 FM, na pagmamay-ari ng Interactive Broadcast Media, bilang bahagi ng pagkabuo ng True Network. Noong Nobyembre 4, lumipat ang True FM Davao sa 106.7 FM. Samantala, naging riley ng FM Radio 92.3 na nakabase sa Maynila. Bahagi ang pagbabagong ito ng isang kasunduan kung saan kukunin ng PCMC ang operasyon ng mga himpilan sa FM ng NBC, maliban sa mga himpilan nito sa Cebu at Cagayan de Oro, habang nasa ilalim ng pag-apruba ng regulasyon sa paglipat ng mga ari-arian.

Noong Disyembre 8, 2024, naging riley ito ng 89.5 FM Radio DavNor, na nakabase sa Tagum, kasabay ng pagganap ng concert na Paskong Ka-Vibes sa Ayala Malls Abreeza.[5][6][7][8]

Noong Pebrero 10, 2025, inilunsad ang FM Radio Davao.

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.