Abra

lalawigan ng Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia

Abramap
Remove ads

Abra, opisyal na kilala bilang Lalawigan ng Abra (Ilokano: Probinsia ti Abra; Inlaud Itneg: Probinsia ta Abra) ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa Rehiyong Administratibo ng Cordillera sa Hilagang Luzon. Ang kabisera nito ay Bangued, at naghahanggan sa mga lalawigan ng Ilocos Norte at Apayao sa hilaga, sa Ilocos Sur at Mountain Province sa timog, sa Ilocos Norte at Ilocos Sur sa kanluran, at sa Kalinga at Apayao sa silangan. Ayon sa senso ng 2024, ito ay may populasyon na 246,948 sa may 58,956 na kabahayan.

Agarang impormasyon Rehiyon, Pagkakatatag ...
Remove ads

Demograpiya

Karagdagang impormasyon Taon, Pop. ...

Dating tinatawag na El Abra de Vigan ang lalawigan ng Abra. Karamihan sa mga mamamayan ng Abra ay mula sa inanak ng mga Ilokano na dumayo sa lalawigan at sa mga kasapi ng tribong Tingguian. Noong 2011, nasa 240,141 ang populasyon ng lalawigan.

Katutubong sinasalita ang wikang Ilokano[10] at wikang Itneg.[11] Batay sa senso noong 2000, karamihan sa populasyon ng lalawigan ay mga Ilokano na may 71.9%. Ang iba pang pangkat etnikong naninirahan sa lalawigan ay ang mga Tinguian 18.7%, Ibanag 4.5%, Isneg 3.2% at mga Tagalog 0.4%.[12]

Remove ads

Economiya

Kasaysayan

Ang mga unang nanirahan sa Abra ay mga ninuno ng mga lahing Bontoc at Ifugao. Lumaon ay umalis din sila upang manirahan sa sinaunang lalawigang Bulubundukin o Mountain Province. Ang iba pang mga naunang mga mananahan sa lalawigan ay ang mga Tingguian, o mga Itneg.

Noong 1598, isang kampamyentong Kastila ang itinatag sa Bangued upang ipagtanggol ang mga Ilokanong Kristiyano mula sa mga paglusob ng mga Tingguian. Dati itong tinawag na El Abra de Vigan o ang Bukana ng Vigan. Noong pananakop ng mga Ingles sa Pilipinas, nagtungo si Gabriela Silang sa Abra kasama ang mga kawal nito galing Ilokos at itinuloy ang pag-aaklas na sinimulan ng napaslang niyang asawang si Diego Silang. Nahuli siya at binitay ng mga Kastila noong 1763.

Heograpiya

Pampolitika

Thumb
Mapang pampolitika ng lalawigan ng Abra

Ang Abra ay nahahati sa 27 mga bayan.

Karagdagang impormasyon Bayan, Bilang ng mga Barangay ...
Remove ads

Tignan din

Talababa

  1. Suspended since December 9, 2024[1]
  2. However, a court in Abra issued a 20-day temporary restraining order against the suspension order on September 2, which lapsed on September 23.
  3. Suspended since August 12, 2024, was declared final and executory by the DESLA, Office of the President of the Philippines[3][4]
Remove ads

Mga Sanggunian

Kawing panlabas

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads