Pulilan
bayan ng Pilipinas sa lalawigan ng Bulacan From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Pulilan, opisyal na Bayan ng Pulilan, ay isang unang klaseng bayan sa lalawigan ng Bulacan, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2024, ito ay may populasyon na 111,384 sa may 28,066 na kabahayan. Ang bayang ito ay kilala sa pista ng mga lumuluhod na kalabaw na kung saan ay dinarayo ng libu-libong turista taun-taon tuwing 14 Mayo. Ito ay pasasalamat ng mga mamamayang Pulileño Kay San Isidro Labrador sa ibinigay nitong masaganang ani.
Ang Pulilan ay napapaligiran ng mga bayan ng Plaridel, Baliwag, Calumpit at Apalit sa Pampanga. Hindi lamang kilala ang bayang ito sa kanilang pista kundi pati na rin sa tinatamasa nitong kaunlaran. Isa kasi ang bayang ito sa pinakamayamang bayan sa Bulacan. Maipagmamalaki rin ng bayang ito ang kanilang kultura at tradisyong magpahanggang sa ngayo'y kanilang ipinapamalas.
Dahil sa patuloy na pag-unlad at malawakang urbanisasyon sa rehiyon, ang bayan ay kabilang sa magiging hangganang sakop ng Kalakhang Maynila sa hinaharap na umaabot hanggang sa bayan ng San Ildefonso sa hilagang bahagi nito.
Remove ads
Etimolohiya
Ang Pulilan ay bahagi ng noo'y bayan ng Quingua (kasalukuyang Plaridel) na mula sa salitang Pampangong Kengwa na ang ibig sabihin ay kabilang ibayo. Noong 1794, ang lugar ay pinangalanang San Isidro ng isang misyonaryong Agustino bilang pag-alaala kay San Isidro Labrador, ang patron ng mga magsasaka. Ngunit noong 20 Enero 1796 ay pormal itong pinangalanan bilang Pulilan, na ayon sa kuwentong bayan ay mula sa pariralang "Pulo ng Ilan" na siyang taguri sa bayan. Isa rin sa pinagbabasihang pinagmulan ng pangalan ng bayan ay ang salitang Puliran na sinasabing nakalimbag sa Laguna Copperplate Inscription (LCI), ayon sa pag-aaral ni Antoon Postma, isang dayuhang anthropologist mula sa Netherlands.[3][4]
Remove ads
Kasaysayan
Unang nadokumento ang Pulilan bilang Puliran sa Laguna Copperplate Inscription, isang pre-kolonyal na dokumento na sinasabing nailathala noong 900 A.D. Ayon sa LCI, pinamumunuan ang mga naninirahan sa lugar noon ni Panginoong Ka-Sumuran (bisitahin Laguna Copperplate Inscription). Noong panahon ng Espanyol, isang Agustinong prayle na nagngangalang Vicente Villamanzaro, ang inatasang magtatag sa bayan noong 20 Enero 1796. Ipinakilala din ng prayle bilang patron ng bayan si San Isidro Labrador, kung saan unang pinangalan ang bayan. Mula sa panahon ng Espanyol, Amerikano hanggang sa mga Hapon, maraming mga Pulilenyo ang nagbuwis ng buhay upang makamit ang kasarinlan ng ating bansa. Matapos nang digmaan, nagsimula ang mga Pulilenyo na bumangon at tumayo sa sarili nilang mga paa. Ngayon, bunga ng mga pagsusumikap na ito, natatamasa sa kasalukuyan ng mga naninirahan dito ang lubos na kaunlaran.[5]
Remove ads
Heograpiya
Topograpiya
Ang Pulilan ay isa sa 21 na bayan na bumubuo sa lalawigan ng Bulacan. Ito may layong 50 kilometro hilagang-kanluran ng Maynila, ang kabisera ng bansa at may layong 20 kilometro mula sa Malolos, ang kabisera ng lalawigan. Mayroon itong kabuuang lawak na 4,083 hektarya (40.73 kilometro kwadrado). Ito ay nahahangganan ng mga bayan ng Apalit sa hilaga; Baliwag sa silangan; Plaridel sa timog at Calumpit sa kanluran. Nagsisilbi namang hangganan ng bayan mula sa Plaridel ang ilog Angat. Binabaybay din ng ilog Angat ang hangganan ng bayan sa Baliwag at Calumpit.
Klima
Ayon sa pag-uuri ng klima ni Köppen, may klimang tropikal ang Pulilan. Mas madalas na nakakaranas ng pag-ulan sa karamihan ng buwan sa isang taon. Mayroon lamang kaunting buwan kung saan nakakaranas ng tagtuyot.
Ayon sa Köppen and Geiger, ang ganitong klima ay napapabilang sa kategoryang Am. Ang karaniwang temperaturang naitatala rito ay 27.2 °C. Ang karaniwang dami ng ulan sa isang taon ay umaabot 2328 mm. Ang pinakatuyong buwan ay tuwing Pebrero kung saan 11 mm lamang ng ulan ang naitatala. Pinakamarami ang sa buwan ng Hulyo, na mayroong kabuaang 501 mm dami ng ulan. Mayo naman ang pinakamainit na buwan na karaniwang umaabot ng 29.2 °C, samantalang tuwing Enero naman naitatala ang pinakamababang temperatura na umaabot lamang ng 25.5 °C.[6]
Mga barangay
Nahahati ang Pulilan sa 19 mga barangay. Lahat ng barangay sa bayang ito ay urbano. Ang Poblacion ang sentro ng komersyo at ito rin ang barangay na mayroong pinakamalaking populasyon. Samantalang, ang Dulong Malabon naman ang may pinakamalawak na nasasakupan at ang may pinakamaliit naman ay ang Dampol 2nd-A.
|
|
Demograpiko
Lokal na pamahalaan
- Punong-bayan: Maria Rosario "Maritz" Ochoa-Montejo
- Pangalawang punong-bayan: Rolando "RJ" Peralta Jr.
- Mga kasapi ng Sangguniang Bayan
- Gilbert Muñoz
- Zandro Hipolito
- Peter Dionisio
- Ogie Cruz
- Rudy Arceo
- Rolie Payumo
- John Nethercott
- JR Clemente
- Ex-offficio Municipal Officials
- ABC President: Dennis M. Cruz (Sto. Cristo)
- SK Federation President: Julius Hipolito (Lumbac)
Mga sanggunian
Mga Kawing Panlabas
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads