Radovan Karadžić
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Si Radovan Karadžić (ipinanganak 19 Hunyo 1945) ay isang politiko, makata, sikyatra, at akusadong pandigmaang kriminal na Serb ng Bosnia at Herzegovina.
Remove ads
Biograpiya
Ipinanganak si Karadžić sa Petnjica na malapit sa Savnik sa Montenegro. Lumipat siya sa Sarajevo sa murang edad upang mag-aral ng sikyariya at magtrabaho sa Ospital ng Koševo.
Isa siya sa mga nagtatag noong 1989 ng Srpska Demokratska Stranka (SDS) o Partidong Demokratikong Serbo sa Bosnia at Herzegovina, na hangaring tipunin ang komunidad ng mga Serbo sa republika upang ipagtanggol ang mga interes nito.
Pinamunuhan nya ang Republika Srpska noong dekada 1990, matapos ang pagkawasak ng Sosyalistang Republikang Federal ng Yugoslavia noong 1991. Inaakusahan sya ng pag-uutos ng paglilinis-etniko ng Croats at Bošnjaci.
Noong 7 Hulyo 2005 inarresto ng mga kawal ng NATO ang anak ni Karadžić na si Aleksandar “Saša” Karadžić .
Inaresto si Karadžić noong 21 Hulyo 2008 sa Belgrade nang 11:00 ng gabi. Bago siya inaresto ay nagpanggap siya bilang si Dragan Dabic at nagtrabaho siya bilang doktor ng alternatibong gamot. Sa kasalukuyan ay haharap siya sa Den Haag ng 15 patong ng kaso laban sa kanya, kasama ang genocide at pandigmaang krimen.
Remove ads
Tingnan din
- Henosidyong Bosnian
- Masaker ng Srebrenica
- Militar ng Republika Srpska
- Bošnjaci
- Bosnia at Herzegovina
- Croatia
- Republika Srpska
- Slovenia
- Srpska Demokratska Stranka
- International Criminal Tribunal for the Former Yugoslavia
- Jovan Rašković
Lingks palabas
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads