Sago

From Wikipedia, the free encyclopedia

Sago
Remove ads

Ang sago ay isang pulbong gawgaw na mula sa prinosesong ubod ng punong palma ng sago. Tinatawag ding sago ang mga bunga ng punong ito. Isa itong pagkain o inuming pang-meryenda (na karaniwang kasama ng gulaman) sa Pilipinas na ginagamit sa halu-halo at mga minatamis na pagkain.[1][2]

Thumb
Perlas na sago

Sa maraming kaso, nagmula ito sa Metroxylon sagu. Isa ang pangunahing pangunahing pagkain para sa maraming tao na naninirahan sa Bagong Ginea at Maluku. Tinatawag ito na saksak, rabia, at sagu sa mga lugar na iyon.

Ang pinakamalaking tagapagtustos ay karaniwang nasa Timog-silangang Asya, partikular sa Indonesia at Malaysia. Madalas na ipinapadala ang malalaking dami ng sago sa Europa at Hilagang Amerika para sa mga layunin ng pagluluto. Sa maraming bansa kabilang ang Australya,[3] Brasil[4] at Indya, tinutukoy din ang perlas ng tapioca na gawa sa ugat ng kamoteng-kahoy[5] bilang sago, sagu, sabudana, atbp.

Remove ads

Mga tala sa kasaysayan

Ang sago ay natala ng mananalaysay na Tsino na si Zhao Rukuo (1170–1231) noong Dinastiyang Song. Sa kanyang gawang Zhu Fan Zhi (1225), isang koleksyon ng mga paglalarawan ng mga dayuhang bansa, isinulat niya na ang kaharian ng Boni ay "walang trigo, kundi abaka at bigas, at ginagamit nila ang sha-hu (sago) para sa butil".[6]

Pagluluto

Tradisyonal na niluluto ito at kinakain sa iba't ibang anyo. Maaari itong igulong sa pamamagitan ng pagpapakulo nito sa mainit na tubig. Bumubuo ito ng pasta na parang pandikit (papeda), o bilang pankeyk.

Ang sago ay kadalasang ibinebenta sa anyo ng "perlas", na ang maliit na bilugan na gawgaw na nagiging mala-gulaman sa pamamagitan ng pag-init. Maaaring pakuluan ang perlas ng sago ng tubig o gatas at asukal para maging matamis na pudin ng sago.[7] Kamukha ng mga perlas ng sago ang iba pang mga perlas na gawgaw tulad ng mga perlas na gawa sa gawgaw ng kamoteng-kahoy (tapioca[8]) at gagaw ng patatas. Kumpara sa mga perlas ng kamoteng-kahoy, mamuti-muti ang perlas ng totoong sago, hindi pantay ang sukat, malutong, at napakamadaling iluto.[9] Karagdagan pa dito, kadalasang minemerkado ang perlas ng kamoteng-kahoy bilang "sago", yayamang, mas mura silang gawin. Maaari silang magamit nang salitan sa ilang mga lutuin o meryenda.

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads