Samson

From Wikipedia, the free encyclopedia

Samson
Remove ads

Si Samson, Shimshon (Hebreo: שמשון, Moderno: Shimshon, Tiberiano: Šimšôn, nangangahulugang "lalaki ng araw"[1]); Shamshoun (Arabo: شمشون) o Sampson (Griyego: Σαμψών) ay ang pangatlo sa huling mga Hukom ng sinaunang mga Israelita na nabanggit sa Tanakh (ang Bibliyang Hebreo) (Aklat ng mga Hukom kabanata 13 hanggang 16).[2][3][4]

Thumb

Si Samson ay pinagkalooban ng Diyos na pambihirang lakas upang labanan ang kanyang mga kalaban at makapagsagawa ng kagila-gilalas na mga bagay[5] katulad ng pakikipagbuno sa isang leon,[6][7][8][9] paglipol sa isang buong hukbo sa pamamagitan lamang ng buto sa pangang isang buro,[3][4][8][9][10] at pagwasak sa isang templong pagano.[2][4][9]

Pinaniniwalang inilibing si Samson sa Tel Tzora sa Israel kung saan mapagmamasdan ang Batis ng Sorek at ang Lambak ng Sorek. Doon ay nakalagak ang dalawang malaking mga lapida ni Samson at ng kanyang ama na si Manoah. Kalapit nito ang nakatayong altar ni Manoah (Mga Hukom 13:19-24).[11] Matatagpuan ito sa pagitan ng mga lungsod ng Zorah at Eshtaol.[12]

Minahal ni Samson si Delilah. Kung minsan, naihahalintulad si Samson kay Hercules ng mitolohiyang Griyego.

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads