Jeronimo
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Si San Jeronimo[1] o San Geronimo (ca. 347 CE – 30 Setyembre 420 CE) na may tunay na pangalan sa wikang Latin na Eusebius Sophronius Hieronymus (Griyego: Ευσέβιος Σωφρόνιος Ιερώνυμος, at kilala rin bilang Hieronymus Stridonensis; Ingles: Saint Jerome) ay isang Kristiyanong apolohista na kilalang-kilala sa pagsasalin ng Bibliyang Vulgata, isang edisyong ng Bibliya sa Latin na malawakan ang katanyagan. Itinuturing siya ng Simbahang Romano Katoliko bilang isang kanonisadong santo at Duktor ng Simbahan. Magpahanggang sa ngayon, isa pa ring mahalagang teksto sa Katolisismo ang kaniyang bersiyon ng Bibliya. Itinuturing din siyang isang santo ng Silanganing Ortodoksiyang Simbahan, kung saan kilala siya bilang Eusebio Jeronimo ng Estridon (Kastila: Eusebio Hierónimo de Estridón o Jerónimo de Estridón; Ingles: Saint Jerome of Stridonium) o Pinagpalang Jeronimo. Ipinapakiwari ng ilan na isa siyang taong mula sa Illyria, subalit maaaring isa lamang itong sapantaha.
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads