Sikkim
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Sikkim (/ sí·kim /; kilala rin na Shikim o Su Khyim) ay isang loobang estado ng India na matatagpuan sa kubundukan ng Himalaya. Kahangganan ng estado ang Nepal sa kanluran, at Rehiyong Awtonomo ng Tibet ng Tsina sa hilaga at silangan, at Bhutan sa silangan. Nasa timog naman ang Indianong estado ng West Bengal.[2]
Ayon sa talâ ng senso noong 2011, may 610,577 ang naninirahan sa Sikkim,[1] dahil dito ito ang estadong may pinakamaliit na populasyon at ikalawang pinakaliit sa lawak (pagkatapos ng Goa) na may sukat na 7,096 km².[3] Dahil sa lokasyon nito na Himalayas, sanlaksa ang heograpiya nito. May klima itong subtropikal hanggang alpine. Makikita sa hangganan ng Sikkim at Nepal ang Kangchenjunga, ang ikatlong pinakamatayog na tuktok sa buong mundo.[4] Sikát na puntáhan ng mga turista ang Sikkim, dahil sa kultura, tanawin at sanlaksang-buhay nito. Dito matatagpuan ang tanging bukas na hangganan ng India sa Tsina.[5] Ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng Sikkim ay Gangtok.
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads