Silay

lungsod ng Pilipinas sa lalawigan ng Negros Occidental From Wikipedia, the free encyclopedia

Silaymap
Remove ads

Ang Lungsod ng Silay ay isang ikatlong klaseng lungsod sa lalawigan ng Negros Occidental, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2024, ito ay may populasyon na 136,802 sa may 32,693 na kabahayan. Bahagi ito ng Pook Metropolitan na tinatawag na Metro Bacolod, na kinabibilangan ng mga lungsod ng Bacolod at Talisay.[3] Sa lungsod matatagpuan ang bagong Paliparang Pandaigdig ng Bacolod-Silay; na pumalit sa Paliparang Domestiko ng Lungsod ng Bacolod.

Agarang impormasyon Silay Lungsod ng Silay, Bansa ...
Tumuturo dito ang Silay, para sa kalapit na bulkan, tingnan ang Silay (bulkan).

Madalas tawaging "Paris ng Negros" ang Silay[4] dahil sa malawak nitong kalipunan ng mga napapanataling mga sinaunang kabahayan. Higit sa tatlumpo ng mga kabahayan na ito ay naitalagang mga makasaysayang pook ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas na bahagi ng Pambansang Palantaang Pangkasaysayan ng Silay. [5][6]Noong 2015, ipinagdiwang ng lungsod ang ika-58 na anibersaryo ng pagkakatatag bilang lungsod.[7]Pangalawang lungsod ang Silay na maitalagang museong lungsod, kasunod ng Vigan sa Ilocos Sur.

Remove ads

Etimolohiya

Hinango ang taguring Silay mula sa pangalan ng isang puno na malawakang tumutubo sa lugar na ito. Ang Kansilay ang opisyal na pang-lungsod na puno ng Silay.

Ang alamat ni Prinsesa Kansilay

May isang katutubong alamat na nagsasabi kung paano nakuha ng Lunsod ng Silay ang pangalan nito. Ikinukuwento na noong mga kapanahunan ng mga datu at mga rajah, mayroon isang namuhay na prinsesang si Kansilay. May lumusob na mga pirata sa bayan ngunit nagapi naman ang mga ito dahil sa pamumuno ng prinsesa. Lumaban ang prinsesa bilang isang tunay na mandirigma. May mga moog na dating pumapalamuti sa mga gusaling pampubliko ng lungsod na naglalarawan sa kaniyang pagiging mandirigma may iwinawasiwas na talibong, isang maikling espada na may iisang matalas na gilid lamang. Nalupig ang mga pirata, ngunit namatay ang prinsesa sa kabila ng tagumpay na ito. Napagmasdan ng kaniyang kasintahan ang kaniyang paglisan sa mundo ng buhay. May dalamhating inilibing nila ang kanilang pinakamamahal na prinsesa. Sa kanilang pagkamangha, mayroong isang punong tumubo sa ibabad ng kaniyang puntod. Ito ang unang puno ng Kansilay, ang huling regala ng matapang prinsesa, para sa kaniyang mga mamamayan.

Remove ads

Mga Barangay

Ang Lungsod ng Silay ay nahahati sa 16 mga barangay.

  • Balaring
  • Barangay I (Pob.)
  • Barangay II (Pob.)
  • Barangay III (Pob.)
  • Barangay IV (Pob.)
  • Barangay V (Pob.)
  • Barangay VI Pob. (Hawaiian)
  • Eustaquio Lopez
  • Guimbala-on
  • Guinhalaran
  • Kapitan Ramon
  • Lantad
  • Mambulac
  • Rizal
  • Bagtic
  • Patag

Demograpiko

Karagdagang impormasyon Taon, Pop. ...

Mga sanggunian

Mga panlabas na kawing

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads