Pambansang koponan ng basketbol ng Pilipinas

From Wikipedia, the free encyclopedia

Pambansang koponan ng basketbol ng Pilipinas
Remove ads

Ang pambansang koponan ng basketbol ng Pilipinas, na mas kilala sa kasalukuyan sa palayaw na Gilas Pilipinas, ay kumakatawan sa bansa sa mga pandaigdigang paligsahan ng basketbol. Ang koponan ay nakakuha ng tansong medalya FIBA World Championship noong 1954 sa Rio de Janeiro, Brazil, na siyang pinakamataas na panalo ng anumang koponan sa labas ng Europa at Americas sa naturang paligsahan, at nagtapos sa ikalimang puwesto sa Palarong Olimpiko noong 1936 sa Berlin, Alemanya, na siya namang pinakamataas na panalo ng anumang koponan sa labas ng Americas, Europa, at Oceania.

Agarang impormasyon Ranking sa FIBA, Sumali sa FIBA ...

Bukod sa mga pinakamataas na nakuhang panalo sa FIBA Basketball World Cup at Palarong Olimpiko, ang Pilipinas ay naging kampeon sa limang edisyon ng FIBA Asia Championship, nakakuha ng apat na gintong medalya sa Palarong Asyano, at naging kampeon sa lahat ng paligsahang pang-basketbol sa Palaro sa Timog-Silangang Asya. Nakalahok na ang koponan sa limang edisyon ng FIBA Basketball World Cup (pinakahuli noong 2014 sa Espanya) at pitong edisyon ng Palarong Olimpiko.

Remove ads

Kasaysayan

Ang pambansang koponan ng basketbol ng Pilipinas ay naging isa sa mga pinaka-dominanteng koponan sa Asya mula ng dekada '20. Ang Pilipinas ay naging matagumpay sa mga kampeonato ng Kampeonatong Palaro ng Malayong Silangan (Far Eastern Championships Games) at ng Palaro ng Timog Silangang Asya ngunit hindi naging ganap ang tagumpay sa Palaro ng Asya at ng Kampeonatong FIBA Asya dahil sa mga katunggali tulad ng Israel, Timog Korea, Lebanon, Japan at lalo na ang koponan ng Tsina.

Sa mga dekada '50 at '60, ang koponan ng Pilipinas ay naging isa sa mga pinakamagaling sa buong mundo, nagkaroon ng mga dekalidad na manlalaro tulad nila Carlos Loyzaga, Mariano Tolentino at Edgardo Ocampo. Si Carlos Loyzaga ay naging bahagi ng seleksiyon ng Mythical Team ng Kampeonatong Pandaigdig ng FIBA taong 1954 kung saan ang Pilipinas ay nagtamo ng medalyang pilak.

Nawala ang kalakasan ng bansa sa basketbol sa Asya nang ang Philippine Basketball Association (PBA), ang pinakamatandang paligang pang-propesyonal sa Asya, ay itinatag noong Abril ng taong 1975. Ang mga pinakamagagaling na manlalaro ng bansa ay napunta sa PBA kung saan noong kapanahunang iyon, ang FIBA ay may paglilimita sa mga manlalaro ng basketbol kung saan mga hindi propesyonal o amateur lamang ang pinalalahok.

Sa pagtatapos ng taong 1975, ang Pilipinas ay nanalo sa Kampeonato ng Konpederasyong Basketbol ng Asya ng taong 1986. Ang pambansang koponan ay napanalunan ang karapatang sumali sa Kampeonatong Pandaigdig ng FIBA ng taong 1986 ngunit ang koponan ay hindi nakasali sa palaro dahil sa krisis na pampolitika sa bansa, ang Rebolusyong EDSA ng 1986.

Nagpadala ng isang puro propesyonal na manlalaro ang bansa sa Palaro ng Asya 1990 na pinamunuan ni Robert Jaworski upang mabawi ang korona ng basketbol ng kontinente ngunit natalo ang koponan sa pang-pinal na laro laban sa koponan ng Tsina at nag-uwi ang koponan ng medalyang pilak.

Taong 1998 nang binuo ng PBA ang tinatawag na Philippines Centennial Team na nagtamo ng panalo sa ika-21 kampeonato ng William Jones Cup ngunit nagtamo lamang ng medalyang tanso sa Palaro ng Asya. Sa mga taong, 1994 at 2002, ang pambansang koponan ay natapos lamang sa ika-apat na puwesto sa Palaro ng Asya.

Suspensiyon ng FIBA

1963

Ang Pilipinas ay sinuspinde ng FIBA taong 1963 sa kadahilanang hindi naisakatuparang ng bansa ang pag-oorganisa bilang bansang punong-abala ng FIBA World Championship 1963 matapos na ideklara nang noo'y presidente na si Diosdado Macapagal na hindi bibigyan ng mga papales at hindi papayagang makapasok ang mga manlalaro na nagmumula sa mga maka-komunistang bansa. Matapos noon, ang Pilipinas, bilang kampeon ng Asya, ay napilitang lumahok sa isang pang-kwalipikasyong palaro upang makalahok sa Palarong Olympics 1964.[1]

2001

Ang pambansang samahan ng basketbol ng Pilipinas (Basketball Association of the Philippines (BAP)) ay nagkaroon ng krisis sa liderato sanhi ng isang hindi pagkaka-unawaaan sa pagitan ng grupo ni Graham Lim at ni Tiny Literal at ng mga grupo ni Freddie Jalasco at Lito Puyat na nagresulta ng pagkakasuspinde ng BAP.

Ngunit, makalipas ang ilang buwan, pumasok ang FIBA at ipinag-utos ang isang eleksiyon na nagresulta ng pagkapanalo ni Literal bilang presidente ng BAP. Sa pagtatapos ng matagumpay na eleksiyon, tinanggal ang suspensiyon at nakalahok ang bansa sa Palaro ng Timog Silangang Asya taong 2001 na ginanap sa Malaysia.[1]

2005 hanggang 2007

Ang Pilipinas ay nasuspinde, sa pangatlong pagkakataon, ng International Basketball Federation noong Hulyo 2005 matapos ang isang hindi pagkaka-unawaan sa pagitang ng BAP at ng Pambansang Komiteng Pang-Olympics ng Pilipinas (POC).


Remove ads

Kakabit at resulta

Kompetisyon

Palarong Olimpiko

Karagdagang impormasyon Summer Olympic Games Record, Year ...

FIBA World Olympic Qualifying Tournament

Karagdagang impormasyon FIBA World Olympic Qualifying Tournament, Year ...

Pandaigdigang Kopa ng Basketbol

Karagdagang impormasyon FIBA World Cup Record, Qualification ...

FIBA Asia Championship/Cup

Karagdagang impormasyon FIBA Asia Cup Record, Year ...

FIBA Asia Challenge

Karagdagang impormasyon FIBA Asia Challenge Record, Year ...

Palarong Asyano

Karagdagang impormasyon Asian Games Record, Year ...

Southeast Asian Games

Karagdagang impormasyon Southeast Asian Games Record, Year ...
Remove ads

Koponan

Kasalukuyang manlalaro

2021 FIBA Asia Cup qualification

Opposition: Indonesia (February 23)
Venue: The BritAma Arena, Jakarta[2]

Karagdagang impormasyon Philippines national basketball team – 2021 FIBA Asia Cup qualification roster roster, Manlalaro ...

Nakaraang roster

  • Note: Olympics, World Championships, Asian Games, Asian Championships only.
Karagdagang impormasyon Bago ang 1960 ...
Karagdagang impormasyon 1960–1979 ...
Karagdagang impormasyon 1980–1999 ...
Karagdagang impormasyon 2000–present ...

Coaches

Remove ads

Tingnan rin

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads