Swardspeak
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Swardspeak, Gay language, (kilala rin bilang "Bekimon" at "gay lingo") ay isang patagong wika o salitang balbal na nagmula sa Englog (pagpapalit wika ng Tagalog-Ingles ) na ginagamit ng ilang mga Homoseksuwal sa Pilipinas.[1]
Remove ads
Uri
Ang Swardspeak ay gumagamit ng ilang salita mula sa Tagalog, Ingles, Kastila, at ilan mula sa Hapon, pati na rin sa pangalan ng mga kilalang tao at tatak, na nagbibigay sa kanila ng mga bagong kahulugan sa iba’t ibang konteksto.[2] Ito ay mapapansin sa mga komunindad na may mga homoseksuwal kung saan gumagamit rin ng mga salitang nanggaling mula sa mga lokal na wika o diyalekto kabilang na ang Cebuano, Hiligaynon, Waray at Bikolano.
Remove ads
Paggamit
Isang natatanging katangian ng swardspeak ay agad na natutukoy na ang nagsasalita nito ay isang homoseksuwal, ginagawa nitong madali para sa mga taong may parehong oryentasyon na makilala ang bawat isa. Lumilikha ito ng isang eksklusibong grupo ng mga nagsasalita nito at tinutulungan ang mga ito na labanan ang pagkawala ng kanilang pagkakakilanlan. Gayumpaman, sa kasalukuyan, kahit ang mga hindi kasapi ng homoseksuwal na komunidad ay ginagamit ang ganitong paraan ng pananalita, partikular sa mga heterosekswal na kabilang sa mga industriya na pinangungunahan ng mga homoseksuwal tulad ng fashion at industriyang pampelikula.
Sa pamamagitan ng paggamit ng swardspeak, ang mga Pilipinong homoseksuwal ay magagawang labanan ang nangingibabaw na kultura ng kanilang lugar at lumikha ng puwang para sa kanilang sarili.[3] Ang wika ay patuloy na nagbabago, ang mga dati nang mga parirala na nagiging laos na at bagong parirala na madalas na pumapasok sa pang araw-araw na paggamit, ay nagpapakita ng pagbabago sa kanilang kultura at pananatili ng pagiging eksklusibo. Ang pabago-bagong katangian ng wika na si nananatili sa iisang kultura at nagbibigay daan para sa karagdagang kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin ng mga nagsasalita nito. Ang mga salita at parirala ay maaaring likhain bunga ng mga uso. Sa pamamagitan ng mga katangiang ito, ang swardspeak ay lumilikha ng grupo nang walang anumang kinalaman sa heograpikal, lingguistikal o cultural na limitasyon at sa gayon ay nagpapahintulot sa mga nagsasalita nito na hubugin ang wika sa tamang mga pagkakataon. Sa ganitong paraan, ang wika ay hindi lamang “mobile” at bahagi ng isang mas malaking komunidad, kundi pati na rin bukas para sa mas tiyak o lokal na mga kahulugan.[4]
Ang mga homoseksuwal na nagsasalita sa wikang ito na halos eksklusibo ay pabirong tinatatawag na Bekimons (isang pagpapaikli ng Baklang Jejemon,’Gay Jejemons’).[5] Ang Swardspeak ay sinasalita rin ng mga babaeng bakla, mga kababaihan na iniuugnay ng eklusibo o karamihan sa mga baklang lalaki (literal na 'gay women', bagaman ang mga ito ay aktwal na heterosekswal).[2]
Remove ads
Pinagmulan
♡
Ang salitang "Swardspeak", ayon kay Jose Javier Reyes, ay ginamit ng kolumnista at kritikong pampelikula na si Nestor Torre noong 1970s. Sumulat mismo si Reyes ng aklat patungkol sa paksa na pinamagatang "Swardspeak: A Preliminary Study" (Swardspeak: Isang Paunang Pag-aaral).[6] "Sward" ay isang salitang balbal para sa 'gay male' (baklang lalaki) sa Pilipinas.[7] Ang pinagmulan ng mga salita at parirala, gayumpaman, ay umiiral na at nanggaling mula sa iba’t ibang mga mapagkukunan.[8]
Balarila
Ang Swardspeak ay isang anyo ng pabalbal na salita (samakatuwid ay lubos na pabago-bago), di tulad ng mga kolokyal na binuo sa mga nauna nang mga wika. Ito ay sadyang nagbabago o lumilikha ng mga salitang kahawig ng mga salitang galing sa ibang wika, lalo na ang Ingles, Hapon, Intsik, Espanyol, Pranses, at Aleman. Ito ay kaakit-akit, matalino, at nakakatawa na may mga bokabularyong nagmula sa popular na kultura at rehiyonal na pagkakaiba-iba.[9] Ito ay hindi maintindihan ng mga taong hindi pamilyar sa kultura ng mga Pilipinong homoseksuwal o hindi alam ang mga patakaran sa pagggamit.[10] Walang pormal na mga patakaran sa paggamit nito, ngunit ang ilan sa mga mas karaniwang barirala ay ipinapakita sa sa ibaba:[1]
- Pinapalitan ang unang titik/pantig ng mga salita gamit ang titik "J"/"Sh" o mga pantig "Jo-"/"Sho-" o "Ju-"/"Shu-".
- Pinapalitan ang unang titik/pantig ng mga salita gamit ang diptonggong "Ky-" o "Ny-".
- Pinapalitan ang dulong pantig ng mga salitang "-ash", "-is", "-iz", "-ish", "-itch", "-ech", "-ush", o "-oosh" bilang mga hulaping nagmumunti o nagpapalaki.
- Pagpapalit ng mga tunog "a", "o", or "u" ng "or", "er", or "ur", lalo na bago o pagkatapos ng katinig na "l".
- Pagpapalit ng pagkakasunod ng mga titik sa salita, katulad ng pagpapalit ng mga pantig sa Tagalog na balbal. Ito ay kapansin pansin sa Cebuano swardspeak.[6]
- Paglalaro ng mga salita, ‘puns’, malapropismo, pagpapalit salita, onomatopoeic na mga salita na nahahalintulad sa mga ginagamit na na mga salita, at pasadyang maling ‘Anglicization’ ng mga salita.
- Mga sanggunian sa popular na kultura, karaniwang mga kilalang tao o mga palabas sa telebisyon. Ito ay pinipili upang halilihan ang salita na tumutukoy sa mga bagay na nagpasikat sa kanila, maaaring dahil ang mga salita ay nagkakaroon ng tugmaan, o pareho.
- Hiram na mga salita mula sa ibang mga wika, lalo na ang mga matagal nang di nagagamit na mga salitang Kastila sa PIlipinas (kung saan pambabaeng anyo ng mga salita na ginagamit sa Swardspeak na wala sa karamihan ng wikang Filipino), Ingles, at Hapon.[12]
Remove ads
Halimbawa
- Pagsasalin ng tradisyunal na tulang pambata na 'Ako ay may lobo' (I have a balloon) sa Swardspeak.[8]
- Pagsasalin ng tradisyunal na tulang 'Bahay Kubo' (Nipa hut) sa Swardspeak.
Remove ads
Tignan din
- Bahasa Binan, parehong diyalekto sa Indonesia
- Gayle language, gay argot base sa Afrikaans
- IsiNgqumo, gay argot sa Timog Aprika base sa mga wikang Bantu
- Lavender linguistics
- LGBT culture in the Philippines
- LGBT slang
- Manila Sound, isang musikal sa Pilipinas na madalas ginagamitan ng swardspeak
- Polari, wikang balbal sa Britanya
Sanggunian
Biblyograpiya
Panlabas na kawing
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads