Taglish

From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Ang Taglish, pinagsamang salita na "Tagalog" at "English", ay ang impormal na diyalekto ng Tagalog, sa Pilipinas, na hinaluan ng katagang Ingles na Amerikano. Sikat ang Taglish sa Kalakhang Maynila at naging malaki ang impluwensiya sa maraming bahagi ng bansa. Ito rin ang karaniwang ginagamit sa Internet, lalo na ng bagong henerasyon. Kapareho ng Taglish ang "Englog" ay Ginagamit ang wikang ito sa Australia, Nueva Zelanda, Estados Unidos, Irlanda, Gran Britanya at Canada. Ginagamit din ito sa mga text.

Agarang impormasyon Katutubo sa, Rehiyon ...
Remove ads

Kaurian

Ang Taglish (o Englog)[1] ay isang wika sa Maynila na nabubuo sa pamamagitan ng paghalo ng Ingles at Tagalog na magkasama.[2][3][4] Ginagamit ang salita kais may mga salitang Tagalog na mahahaba kaysa salitang Ingles. Halimbawa:

Karagdagang impormasyon Ingles, Tagalog ...

Ang mga pandiwang Ingles, at kahit ang ilang mga salitang pangngalan ay maaring maging pandiwang Tagalog. Nagagawa ito sa pagdaragdag ng mga isa o higit pang panlapi at sa pagdodoble ng unang tunog ng panimulang anyo ng salitang pandiwa o pangngalan.

Ang salitang pandiwa na Ingles na drive ay maaaring maging magda-drive sa Tagalog na nangangahulugang "magmamaneho". Ang pangngalang Internet ay maaaring magbago sa Tagalog at maging isang pandiwa, nag-Internet na nangangahulugang gumamitin ang Internet.

Ginagamit din sa mga pangungusap na Englog magkahalong Ingles at Tagalog na mga salita at parirala. Ang mga pangatnig na ginagamit upang ipagdugtong sila ay maaring magmula kahit ano sa dalawa. Ilan sa mga halimbawa ang sumusunod:

Karagdagang impormasyon Ingles, Tagalog ...

Dahil sa impormal na anyo, hindi hinihimok ng mga dalubhasa sa Ingles at Tagalog ang paggamit nito.[6][7][8][9]

Remove ads

Salitang Taglish

Nasasakupang Tagalog

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads