Wikang Blaan
wika sa katimugang Mindanao na sinasalita ng mga katutubong Blaan From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang wikang Blaan (o Bilaan[a]) ay isang wika ng mga Austronesyo na sinasalita ng mga Blaan, isang katutubong pangkat sa katimugang Mindanao, Pilipinas. Kasama ito sa sangay ng Timog Mindanao ng mga wikang Pilipino, na malapit na kaugnay ng mga wikang Bilic tulad ng Tboli (sinasalita sa Davao Occidental), Klata, (sinsalita sa Davao del Sur) at Tiruray (sinasalita sa Maguindanao).[4]
Remove ads
Distribusyong pangheograpiya
Ang Blaan ay pangunahing sinasalita sa Timog Cotabato, Sarangani, Sultan Kudarat, at Davao Occidental na nasa rehiyong Soccsksargen at Davao.[5] May dalawang pangunahing diyalekto: Koronadal Blaan (Tagalagad)[6] at Sarangani Blaan (Tumanao),[7] na bawat isa ay nauugnay sa mga tiyak na lokal na pamayanan.
Noong 1995, tinatayang may humigit-kumulang 200,000 na nagsasalita ng Blaan batay sa datos ng Comparative Austronesian Dictionary.[8] Sa talang senso ng Philippine Statistics Authority (PSA, o Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas) noong 2020, nakapagtala ng 66,473 na sambahayan na nagsasalita ng Blaan.[1] Gamit ang karaniwang bilang ng tao bawat sambahayan na 4.1,[9] tinatayang may 272,539 na nagsasalita ng Blaan sa buong bansa (PSA, 2020). Mahalaga ring tandaan na ang bilang na ito ay batay sa katamtaman at maaaring bahagyang nag-iiba depende sa aktwal na dami ng mga miyembro ng sambahayan.
Ang mga pangunahing lugar ng pamumuhay ng mga Blaan ay ang Sarangani, partikular sa mga bayan ng Alabel, Malapatan, Glan, Malungon at ilang bahagi ng Maasim, kung saan matatagpuan ang pinakamalalaking konsentrasyon ng populasyon.[10] Sa Timog Cotabato, kabilang ang bayan ng Koronadal, Heneral Santos, at iba pang mga bayan maliban sa Lake Sebu, Surallah, at Norala ang nagsasalita ng Blaan.[11][12] Sa Sultan Kudarat, may umiiral na pamayanan ng Blaan sa mga bayan ng Lutayan at Columbio, habang sa Davao Occidental, matatagpuan ang mga Blaan sa Jose Abad Santos, Malita at Don Marcelino.[13] Ilan ding Blaan ang naninirahan sa Davao del Sur, partikular sa Magsaysay, Matanao, Kiblawan, at Sulop.[14]
Remove ads
Ponolohiya
Ang wikang Blaan ay may natatanging ponolohiya na nag-iiba ayon sa diyalekto. Binubuo ito ng 6 na patinig at 15 na katinig.[15] Ayon sa pag-aaral nina Ojanola at Tarusan, ang Blaan sa apat na kontekstong sosyolingguwitiko sa Soccsksargen (Sarangani Blaan [SBL], Koronadal Blaan [KBL], Columbio Blaan [CBL], at Tulunan Blaan [TBL]) ay may parehong 15 ponema ng katinig: /b/, /d/, /f/, /g/, /h/, /k/, /l/, /m/, /n/, /ng/, /r/, /s/, /t/, /w/, at /y/. Umiiral ang lahat ng mga tunog na ito sa bawat konteksto at may katulad na ponolohikal na katangian sa kanilang mga katumbas sa Ingles. Bukod dito, ginagamit ng lahat ng apat na konteksto ang anim na ponema ng patinig: /a/, /e/, /é/, /i/, /o/, at /u/, na binibigkas sa parehong paraan sa karamihan ng mga kaso.
Gayunpaman, may natukoy na pagkakaiba sa paggamit ng /e/ at /é/: sa SBL, KBL, at CBL, ang /e/ ay ipinapahayag bilang /é/ sa TBL (tunog ng schwa /ə/ sa IPA), at ang /é/ naman sa SBL, KBL, at CBL ay ipinapahayag bilang /e/ sa TBL (tunog na /ɛ/ sa IPA). Ang estruktura ng pantig ng Blaan ay karaniwang CV at CVC, at may ilang diyalekto na nagpapahintulot ng mas kumplikadong kombinasyon ng katinig.[15] Ang pagkakaibang ito sa ponolohiya ay nagpapakita ng dinamismo ng wika, habang nananatiling magkakaintindihan ang mga nagsasalita sa rehiyon.
Remove ads
Balarila
Ang wikang Blaan ay may natatanging sistema ng mga sugnay na pandiwan, kung saan ang diin ng pangungusap ay ipinapakita sa pamamagitan ng mga panlapi sa pandiwa. Ayon sa pag-aaral nina McLachlin at Blackburn (1968), may apat na pangunahing uri ng diin: diin ng simuno, kung saan binibigyang-diin ang simuno; diin ng layon, na nakatuon sa layon; diin ng direksyon, na binibigyang-diin ang direksyon o patutunguhan ng kilos; at diin ng kasangkapan, para sa mga kasangkapan o lugar ng kilos.[16] Ang pagpili ng panlapi ay tumutukoy sa istruktura ng pangungusap at sa posisyon ng binibigyang-diin na elemento.
Karaniwan, binubuo ang isang Blaan na pangungusap ng panaguri at kaugnay nitong mga argumento. Pinaghihiwalay ang pangunahing bahagi ng pangungusap (tulad ng panaguri at binibigyang-diin na elemento) at karagdagang bahagi ng pangungusap (gaya ng oras at lugar).[16] Ang mga saligang anyo ng pandiwa ay nahahati sa iba't ibang klase batay sa morpolohiya at sa uri ng panlapi na maaaring ilakip sa kanila, na nakakaapekto sa pagbuo ng mga sugnay na pandiwa at sa pagpapakita ng diin. Ang sistemang ito ay nagpapakita ng kaayusan ng wika at ang kahalagahan ng panlapi sa pagpapahayag ng relasyon ng simuno, layon, at iba pang bahagi ng pangungusap.
Sintaks
Gumagamit ang Blaan ng ayusan ng salita upang ipakita ang tematikong papel ng mga nominal na elemento sa pangungusap.[16]
Kamfe
AV.huli
kuku
pusa
ungeh.
daga
'Hinuhuli ng pusa ang daga.'
Katulad ng ibang wikang Austronesyo na uri ng Pilipino, gumagamit ang Blaan ng morpolohiyang pandiwa upang ipakita ang tinig o pokus. Narito ang ilang halimbawa ng uri ng pokus sa Blaan:
Diin ng ahente (-m-)
Magin
AV.samahan
nga
bata
do.
ako
'Sinasamahan ako ng bata.'
Diin ng layon (-n-)
Nebe
PV.dala
libun
dalagita
ale.
sila
'Dinadala sila ng dalagita.'
Bokabularyo
Mga pananda
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads