Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya

Samahan ng mga bansa From Wikipedia, the free encyclopedia

Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya
Remove ads

Ang Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya[2], na kadalasang dinadaglat bílang ASEAN o Asean,[3][4] ay isang kapisanang pang-heopolitika, pang-ekonomiya, at pangkultura ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya. Ang Asean ay itinatag noong ika-8 ng Agosto 1967 at binuo ng Indonesya, Malaysia, Pilipinas, Singapore, at Taylandiya. Ang mga layunin ng samahang ito ay pagtaguyod ng paglago ng ekonomiya, kaunlarang panlipunan, pagsulong ng mga kultura sa mga kasapi, at pagpapalaganap ng kapayapaang pangrehiyon.

Agarang impormasyon Luklukan ng Kalihiman, Pinakamalaking lungsod ...


Skidibi

Remove ads

Kasaysayan

Thumb
Deklarasyon ng Bangkok: Ang pagkatatag ng Asean noong 8 Agosto 1967.

Maaaring iguhit ang pagkatatag ng Asean mula sa pagkatatag ng dalawang hiwalay na organisasyon: ang Samahan ng Timog-Silangang Asya, isang alyansa na binubuo ng mga bansang Pilipinas, Malaysia at Taylandiya na itinatag noong taóng 1960, at ang Maphilindo, isang iminungkahing alyansa na ibubuo ng Pilipinas, Indonesya at Malaysia.

Ang Asean ay itinatag noong 8 Agosto 1967, na ang mga ministro ng ugnayang panlabas ng limang bansa ay nagpulong sa Bangkok at naglagda ng Deklarasyon ng Asean, na kinikilala nang lubos na Deklarasyon ng Bangkok. Ang limang ministro ng ugnayang panlabas Adam Malik ng Indonesya, Narciso Ramos ng Pilipinas, Tun Abdul Razak ng Malaysia, S. Rajaratnam ng Singapore, at Thanat Khoman ng Taylandiya – ay itinuring na Mga Ama ng Pagkatatag ng Organisasyon.

Naging bahagi ng Asean ang Brunei noong 8 Enero 1984, ang araw pagkatapos ng pagkamit ng kanilang kalayaan nang isang linggo. Ang Brunei ay ang unang bansa na naging kasapi sa kalunan ng Asean. Noong 28 Hulyo 1995, nagkaroon ng isang bagong kasapi ang Asean nang sumanib ang Biyetnam bílang ikapitong kasapi. Pagkatapos ng dalawang taon, sumanib ang mga bansang Laos at Myanmar bílang kasapi ng Asean noong 23 Hulyo 1997. Kasabay dapat ang Kambodya sa araw ng pagsanib na iyon, ngunit ipinagpaliban muna sapagkat lumalaganap pa ang kaguluhang panloob sa politika. Noong 30 Abril 1999, sumanib na sa wakas ang bansang Kambodya at nakabuo ng isang matatag na samahán ang Asean.

Remove ads

Mga Pangunahing layunin ng Asean

Ang mga bansang-kasapi ng Asean at nakapagpatibay ng mga pangunahing prinsipyo para sa kanilang mga ugnayan ng mga bawat isa, na nabibilang sa Kasunduan ng Pagkakaibigan at Pagkikiisa sa Timog-Silangang Asya (TAC):

  • Paggalang sa magkabilá ng-panig ukol sa kalayaan, kapangyarihan, kapantayan, katatagang panteritoryo, at pambansang pagkakakilanlan ng lahat ng mga bansa;
  • Karapatan ng bawat estado na mamahala ang kanilang pambansang pamamalagi na maging malaya sa kaguluhang panlabas, lihim na pagbabagsak o pamimilit
  • Walang mangyayaring kaguluhan sa ugnayang panloob ng isa't isa
  • Pagsasaayos ng mga kakulangan o pagtatalo sa pamamagitan ng mapayapang paraan
  • Pagtatakwil sa mga banta o paggamit ng puwersa; at
  • Mabisang pakikiisa sa pagitan ng mga bansang-kasapi.
Remove ads

Mga kasapi ng Asean

Thumb
Mga watawat ng 10 kasapi ng Asean
Thumb
Ang mapa ng Asean na binubuo ng mga bansang-kasapi

Ang mga kasalukuyang bansang-kasapi sa Asean ay mula sa pinakauna hanggang sa pinakahuling sumapi:

Mga kasaping nagtatag

Itinatag ang organisasyon ng ito sa pamamagitan ng Deklarasyon sa Bangkok noong 8 Agosto 1967.

Mga estadong sumapi sa kalaunan

Timor-Leste

Noong 23 Hulyo 2006, Si José Ramos-Horta, ang kasalukuyang pangulo ng Silangang Timor, ay lumagda ng pormal na pakiusap at inaasahan ang mabilis na paraan ng pagpasok upang maging ganap na kasapi sa loob ng limang taon.

Papua New Guinea

Ang bansang Papua Bagong Guinea ay kasalukuyang nasa katayuang tagamasid mula 1976.

Pagtitipon ng Asean

Thumb
██ Mga likas na kasapi ng Asean
██ Mga tagamasid sa Asean
██ Mga kandidatong-kasapi ng Asean
Asean Dagdag Tatlo
Pagtitipon ng Silangang Asya
Porong Panrehiyon ng Asean

Nagdadaos ng mga pagpupulong ang Asean na nakilalang Pagtitipon ng Asean (Asean Summit), kung saan nagpupulong ang mga punò ng pamahalaan ng bawat kasapi upang pag-usapan at pasyahan ang mga isyung panrehiyon, gayundin sa pagdaraos ng ibang pagpupulong kung saan kasáma ang mga bansa na nasa labas ng hanay na may hangaring magtaguyod ng mga ugnayang panlabas.

Karagdagang impormasyon Mga Pagtitipong Pormal ng Asean, Petsa ...

Habang nagdaraos ang ikalimang Pagtitipon sa Bangkok, nagpasiya ang mga pinúnò na magpulong nang "di-pormal" sa pagitan ng bawat pagtitipon:

Karagdagang impormasyon Mga Pagtitipong Di-pormal ng Asean, Petsa ...
Remove ads

Ang paghahambing ng mga hanay sa mga malalaking bansa

OrganisasyonLawak
km²
PopulasyonGDP (PPP)
sa EU$
GDP (PPP)
bawat kapita

sa EU$
Mga bansang-
kasapi
UE 4,225,104 449,206,579 26.308 trilyon 58,838 27
ASEAN 4,522,518 683,290,000 12,007 trilyon 17,528 10
CSN 17,715,335 366,669,975 2,635,349 7,187 12
AU 29,922,059 1,494,988,668 8.990 trilyon 6,330 55
Malalaking
bansa
Hati ng
politika
India 3,287,263 1,428,627,663 14.594 trillion 10,123 36
Tsina 9,596,961 1,409,670,000 35.291 trillion 25,015 34
EU1 9,833,520 334,914,895 28.781 trillion 85,373 50
Canada1 9,984,670 41,288,599 2.472 trillion 60,495 13
Russia 17,098,246 143,679,916 5.473 trillion 38,292 89

Itinaya sa taong 2024. Bughaw-puti para sa pinakamalaking halaga, lunting-puti para sa pinakamaliit, sa mga hanay na pinaghahambingan.

Remove ads

Katayuan ng ekonomiya

Ang talahanayang GDP ay nakabatay sa PPP na itinaya noong 2024.

BansaGDP (PPP)
angaw
sa EU$(Itinaya)
GDP (PPP)
bawat kapita
sa EU$(Itinaya)
 Indonesya4.721 trilyon16,861
 Taylandiya1.644 trilyon23,401
 Biyetnam1.559 trilyon15,470
 Pilipinas1.392 trilyon12,192
 Malaysia1.306 trilyon39,030
 Singapore794.179 bilyon133,737
 Myanmar283.572 bilyon5,200
 Kambodya106.714 bilyon6,541
 Laos74.205 bilyon9,787
 Brunei33.875 bilyon76,864
Remove ads

Mga Lider ng ASEAN

Remove ads

Tingnan din

Mga sanggunian

Mga kawing panlabas

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads