Zsa Zsa Padilla

From Wikipedia, the free encyclopedia

Zsa Zsa Padilla
Remove ads

Esperanza Perez Padilla (ipinanganak 28 Mayo 1964[2]), kilalang malawakan sa pangalang Zsa Zsa Padilla (bigkas: ˈʃaʃa), ay isang tanyag na mang-aawit at artista ng pelikulang Pilipino.

Agarang impormasyon Kapanganakan, Nasyonalidad ...
Remove ads

Kinagisnan

Si Zsa Zsa Padilla ay isinilang sa pangalang Esperanza Perez Padilla noong 1964, anak nina Esperanza "Kating" Felipa Perez at ang aktor at sportsman na si Carlos Padilla, Sr., na naging bantog bilang referee ng makasaysayang Thrilla in Manila. Si Zsa Zsa, magmulat-mula pa, ay naging isang tanyag na mang-aawit na tumampok sa iba't ibang mga konsyerto at malalaking palatuntunan sa Pilipinas at mga ibang bansa; at gayundin bilang artista sa pelikula, telebisyon at entablado. Siya din ay naging isang modelong pang-komersyo, endorser ng produkto, negosyante, vlogger; at kumakatha ng kanta.

Remove ads

Buhay-Propesyonal

Nagsimula si Padilla bilang isang miyembro ng bandang Hotdog, isa sa mga nagtaguyod ng Manila Sound noong kalagitnaan ng dekada-70. Siya ay nagsimula bilang isang tanging mang-aawit noong 1982.

Noong 1987, siya ay unang gumanap sa telebisyon sa seryeng “Lovingly Yours, Helen”. Noon ding taon na iyon, siya ay tumampok sa pinilakang-tabing sa unang pagkakataon, sa pelikulang “Mga Anak ni Facifica Falayfay”, katambal ng komedyanteng Pilipino na si Dolphy. Si Zsa Zsa ay may tatlong anak na babae: si Karylle mula sa kanyang unang asawa na si Modesto Tatlonghari; at sina Zia at Nicole bunga ng kanilang pagsasama ni Dolphy Quizon sa mahigit na dalawampung taon. .

Remove ads

Diskograpiya

Mga Album

Karagdagang impormasyon Pamagat ng Album, Tatak ...

Mga Single

Sa Panahon ng Analog

Karagdagang impormasyon Side A, Side B ...

Sa Panahon ng Digital

Karagdagang impormasyon Awit, Tatak ...
Remove ads

Videograpiya

Pelikula

Karagdagang impormasyon Taon, Pamagat ...

Telebisyon

Karagdagang impormasyon Taon, Pamagat ...
Remove ads

Mga Gantimpala

Karagdagang impormasyon Taon, Nagbigay ng Parangal ...
Remove ads

Mga Sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads