From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Imperyong Neo-Asiryo ang huling imperyo sa kasaysayan ng Asirya sa Mesopotamiya na nagsimula noong 934 BCE at nagwakas noong 609 BCE.[1] Sa panahong ito, ang Asirya ang naging pinakamakapangyarihang estado sa mundo na nadaig pa sa pananaig ang mga Babylonia, Sinaunang Ehipto, Urartu/Armenia[2] at Elam sa pananaig sa Sinaunang Malapit na Silangan, Asya menor, silangang Mediterraneo. Sa panahon ni Tiglath-Pileser III noong ika-8 siglo BCE[3][4] nang ito ay naging isang malawakang imperyo. Sinundan ng Imperyong Neo-Asiryo ang Panahong Gitnang Asiryo at Gitnang Imperyong Asirya (ika-14 hanggang ika-10 BCE). Itinuturing ng ilang mga skolar gaya ni Richard Nelson Frye ang imperyong Neo-Asiryo bilang ang unang tunay na imperyo sa kasaysayan ng tao.[5] Sa panahong iyon, ang wikang Aramaiko ang ginawang opisyal nawika ng Imperyong Neo-Asiryo kasama ng Wikang Akkadiano. [5]
Imperyong Neo-Asiryo | |
---|---|
934 BCE–609 BCE | |
Kabisera | Assur 934 BCE Nineveh 706 BCE Harran 612 BCE |
Karaniwang wika | Wikang Akkadiyo, Aramaiko |
Relihiyon | Henotheism |
Pamahalaan | Monarkiya |
Hari | |
• 934–912 BCE | Ashur-dan II (una) |
• 612–609 BCE | Ashur-uballit II (huling pinuno) |
Panahon | Panahong Bakal |
• Paghahari ni Ashur-dan II | 934 BCE |
• Labanan ng Nineveh | 612 BCE |
• Labanan ng Megiddo | 609 BCE |
Bahagi ngayon ng | Iraq Syria Turkey Egypt Saudi Arabia Jordan Iran Kuwait Lebanon Palestinian Authority Israel Cyprus Armenia |
Sa pag-akyat a kapangyarihan ni Adad-nirari II noong 911 BCE, ang Imperyong Neo-Asirya ay naging isang dominanteng kapangyariahan sa Sinaunang Malapit na Silangan noong ika-8 hanggang ika-7 siglo BCE. Ang mga maagang hari ng imperyong Neo-Asirya ay naghangadmna muling ibalik ang kontrol sa hilagang Mesopotamiya at Syria dahil ang mahalagang bahagi ng nakaraang Gitnang Imperyong Asirya ay naglaho dahil sa paghina. Sa ilalim ni Ashurnasirpal II (naghari 883–859 BCE), ang imperyong Asirya ay naging mas dominanteng kapangyarihan sa Sinaunang Malapit na Silangan sa hilaga. Ang mga pangangampanya ni Ashurnasirpal ay umabal hanggang sa Mediterraneo at nangsiwa sa paglipat ng kabisera ng imperyo mula sa tradisyonal na kabiserang Assur tungo sa Nimrud. Ang imperyong Neo-Asirya ay mas lalong lumago sa ilalim ni Shalmaneser III (naghari 859–824 BCE) ngunit humina pagkatapos ng kanyang kamayan. Sa panahong ito, ang mga pinunong nangangasiwa ay mga heneral ngunit mahihina. ANg paghina ay nagwakas sa pagakyat sa kapangyarihan ni Tiglath-Pileser III (naghari 45–727 BCE) na muling nagbigay ng kapangyarihan sa imperyo at nagpalakas pa sa pamamagitan ng malawakang pananakop nito Ang kanyang pinakakilalanng mga pananakop ay sa Lungsod ng Babilonya sa katimugan at sa malaking mga bahagi ng Levant. Sa ilalim ng dinastiya ni Sargon II ang imperyong Neo-Asirya ay umabot sa rurok nito. Sa ilalim ng haring Sargonid na si Sennacherib (naghari 705-681 BCE), ang kabisera ng imperyo ay nilipat sa Nineveh at sa ilalim ng anak at kahalili nitong si Esarhaddon (naghari 681-669 BCE), ang imperyo lalo pang lumawig sa pamamagitan ng pananakop sa Sinaunang Ehitp. Ang imperyong Neo-Asirya ay bumagsak noong ika-7 siglo BCE sa magkasanib na puwersa ng imperyong Neo-Babilonya at Medes.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.