Karagatang Atlantiko

karagatan From Wikipedia, the free encyclopedia

Karagatang Atlantiko
Remove ads

Ang Karagatang Atlantiko ay ang pangalawang pinakamalaki sa limang karagatan ng mundo, na may lawak na mga 85,133,000 km2 (32,870,000 sq mi).[1] Sinasakop nito ang tinatayang 17% ng ibabaw ng Daigdig at mga 24% ng sukat ng ibabaw ng tubig nito. Kilala ito na hinihiwalay ang "Lumang Mundo" ng Aprika, Europa at Asya mula sa "Bagong Mundo" ng Kaamerikahan sa pang-unawang Europeo ng Mundo.

Kinunan ang bidyo na ito ng mga tripulante ng Expedition 29 sakay ng ISS. Nagsimula ang pagdaan mula sa may hilagang-silangan ng pulo ng Newfoundland sa Hilagang Karagatang Atlantiko hanggang sa gitnang Aprika, sa may Timog Sudan.

Sa pamamagitan ng paghihiwalay nito ng Europa, Aprika, at Asya mula sa Kaamerikahan, gumanap ang Karagatang Atlantiko ng sentral na gampanin sa pag-unlad ng lipunan ng tao, globalisasyon, at mga kasaysayan ng maraming bansa. Habang kilala na ang mga Nordiko bilang ang unang mga tao na tumawid sa Atlantiko, tunay na naging pinakamaresulta ang ekspedisyon ni Cristoforo Colombo noong 1492. Hinatid ng ekpedisyon ni Colombo ang isang panahon ng paggalugad at kolonisasyon ng Kaamerikahan ng mga kapangyarihang Europeo, pinakakapansin-pansin ang Portugal, Espanya, Pransya, at ang Reyno Unido. Mula ika-16 hanggang ika-19 na dantaon, sentro ang Karagatang Atlantiko sa parehong eponimong kalakalan ng alipin at palitang Kolumbiyano habang paminsan-minsang pagkakaroon ng mga labanang dagat. Ang mga ganoong labanang dagat, gayon din ang lumalagong kalakalan mula sa kapangyarihang rehiyon ng Estados Unidos at Brasil, ay parehong pinataas ang antas noong maagang ika-20 dantaon, at habang walang pangkalahatang hidwaang militar ang naganap sa Atlantiko sa kasalukuyang panahon, nanatili ang karagatan na isang gitnang bahagi ng kalakalan ng mundo.

Inookupa ng Karagatang Atlantiko ang isang pahabang hugis-S na palanggana na lumalawak sa longhitud sa pagitan ng Europa at Aprika sa silangan, at ang Kaamerikahan sa kanluran. Bilang isang bahagi ng kabit-kabit na Karagatan ng Mundo, nakakonekta ito sa Karagatang Artiko sa hilaga, ang Karagatang Indiyano sa timog-silangan, at ang Karagatang Katimugan sa timog (sinasalarawan ng ibang mga depinisyon ang Atlantiko na lumalawak tungong timog sa Antartika). Nahahati ang Karagatang Atlantiko sa dalawang bahagi, ang hilaga at timog Atlantiko, sa pamamagitan ng Ekwador.[2]

Remove ads

Toponimiya

Thumb
Ang Karagatang Etiyopiya sa isang mapang Pranses ng Aprika noong 1710

Ang pinakalumang pagbanggit sa isang dagat "Atlantiko" ay mula kay Estesikoro noong mga gitnang ika-6 na dantaon BC (Sch. A. R. 1. 211):[3] Atlantikôi pelágei (Griyego: Ἀτλαντικῷ πελάγει; Tagalog: 'ang dagat Atlantiko'; etym. 'Dagat ni Atlas') at sa Historia ni Herodoto noong mga 450 BC (Hdt. 1.202.4): Atlantis thalassa (Griyego: Ἀτλαντὶς θάλασσα; Tagalog: 'Dagat ni Atlas' o 'ang dagat Atlantiko'[4]) kung saan tumutukoy ang pangalan sa "dagat lagpas ng mga haligi ni Herakles" na sinasabing bahagi ng dagat na pumapalibot sa lahat ng lupain.[5] Sa lahat ng mga gamit na ito, tumutukoy ang pangalan kay Atlas at Titan sa mitolohiyang Griyego, na sinuportahan ang kalangitan at sa kalaunan, lumabas bilang isang pultada ng mga mapang medyebal at pinahiram ang pangalan sa mga makabagong atlas.[6] Sa kabilang banda, ang mga mandaragat ng sinaunang Griyego at panitikang mitolohikal na Griyego tulad ng Iliada at Odisea, itong sumasaklaw sa lahat na karagatan ay sa halip na kilala bilang Oseyano, isang dambuhalang ilog na pumalibot sa mundo; taliwas ito sa pumapalibot na mga dagat sa mga Griyego: ang Mediteraneo at ang Dagat Itim.[7] Sa kaibahan, ang katawagang "Atlantiko" ay orihinal na tumukoy sa Bulubunduking Atlas sa partikular sa Maruekos at ang dagat sa labas ng Kipot ng Gibraltar at ang baybayin sa Kanlurang Aprika.[6]

Nailapat ang katawagang "Karagatang Etiyopiya", hinango mula sa Sinaunang Etiyopiya, sa katimugang Atlantiko mga pinakahuli noong ika-19 dantaon.[8] Noong Panahon ng Pagtuklas, kilala ang Atlantiko sa mga kartograpong Ingles bilang Great Western Ocean (Dakilang Karagatang Kanluran).[9]

Remove ads

Mga pinamamalaking dagat sa Karagatang Atlantiko

Pinakakamalaking dagat:[10][11][12]

  1. Dagat Sargaos  3.5 milyon km2
  2. Dagat Karibe  2.754 milyon km2
  3. Dagat Mediteraneo  2.510 milyon km2
  4. Gulpo ng Guinea  2.35 milyon km2
  5. Gulpo ng Mehiko  1.550 milyon km2
  6. Dagat Noruwega  1.383 milyon km2
  7. Dagat Groenlandiya  1.205 milyon km2
  8. Dagat Arhentino  1 milyon km2
  9. Dagat Labrador  841,000 km2
  10. Dagat Irminger  780,000 km2
  11. Look ng Baffin  689,000 km2
  12. Dagat Hilaga  575,000 km2
  13. Dagat Itim  436,000 km2
  14. Dagat Baltiko  377,000 km2
  15. Dagat Libiya  350,000 km2
  16. Dagat Lebantino  320,000 km2
  17. Dagat Seltiko  300,000 km2
  18. Dagat Tirreno  275,000 km2
  19. Gulpo ng San Lorenzo  226,000 km2
  20. Gulpo ng Vizcaya  223,000 km2
  21. Dagat Egeo  214,000 km2
  22. Dagat Honiko  169,000 km2
  23. Dagat Balaer  150,000 km2
  24. Dagat Adriatico  138,000 km2
  25. Gulpo ng Botniya  116,300 km2
  26. Dagat ng Kreta  95,000 km2
  27. Gulpo ng Maine  93,000 km2
  28. Dagat Liguria  80,000 km2
  29. Bambang Ingles  75,000 km2
  30. Dagat James  68,300 km2
  31. Dagat Botniya  66,000 km2
  32. Gulpo ng Sidra  57,000 km2
  33. Dagat ng Hebridas  47,000 km2
  34. Dagat Irlanda  46,000 km2
  35. Dagat ng Azov  39,000 km2
  36. Look ng Botniya  36,800 km2
  37. Gulpo ng Venezuela  17,840 km2
  38. Look ng Campache  16,000 km2
  39. Gulpo ng Leon  15,000 km2
  40. Dagat ng Marmara  11,350 km2
  41. Dagat Wadden  10,000 km2
  42. Dagat Arkipelago  8,300 km2
Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads