Binibining Pilipinas 2021
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Binibining Pilipinas 2021 ay ang ika-57 edisyon ng Binibining Pilipinas, na ginanap sa Smart Araneta Coliseum sa Lungsod Quezon, Kalakhang Maynila, Pilipinas noong 11 Hulyo 2021. Orihinal na nakatakdang gaganapin ang kompetisyon sa taong 2020. Gayunpaman, ito ay na-reschedule sa 11 Hulyo 2021 dahil sa pandemya ng COVID-19.[1][2][3]
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan nina Bea Magtanong at Gazini Ganados si Hannah Arnold ng Masbate bilang Binibining Pilipinas International 2021, kinoronahan nina Maria Andrea Abesamis at Samantha Bernado si Samantha Panlilio ng Kabite bilang Binibining Pilipinas Grand International 2021, kinoronahan ni Emma Tiglao si Cindy Obeñita ng Cagayan de Oro, Misamis Oriental bilang Binibining Pilipinas Intercontinental 2021, at kinoronahan ni Leren Bautista Maureen Montagne ng Batangas bilang Binibining Pilipinas Globe 2021. Tinanghal bilang first runner-up si Gabrielle Basiano ng Borongan, Silangang Samar, at tinanghal bilang second runner-up si Meiji Cruz ng Valenzuela.[4][5][6]
Simula sa edisyong ito, ang mga nagwagi sa Binibining Pilipinas ay kakatawan sa Pilipinas sa Miss International, Miss Grand International, Miss Intercontinental, at sa The Miss Globe matapos matanggal ang prangkisa nito para sa Miss Universe at Miss Supranational.[7][8]
Mga kandidata mula sa apatnampung lungsod at lalawigan ang kumalahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Binibining Pilipinas Grand International 2016 Nicole Cordoves ang kompetisyon.[9][10] Nagtanghal si Darren Espanto sa edisyong ito.[11]
Remove ads
Kompetisyon

Pagpili ng mga kalahok
Apatnampung kalahok ang napili mula sa limampu't-anim na aplikante sa final screening na ginanap sa New Frontier Theater noong 6 Pebrero 2020.[12] Noong Pebrero 7, binigyan ang mga kalahok ng kanilang mga opisyal na numero at tinanong kung anong lungsod/lalawigan ang kanilang kakatawanin.[13]
Noong 13 Hunyo 2021, dahil sa mga pagpapaliban ng kompetisyon dulot ng pandemya ng COVID-19, muling sinariwa ng Binibining Pilipinas ang listahan ng mga kandidata para sa edisyong ito. Mula sa orihinal na 40 kandidata mula noong Pebrero 2020, tatlumpu't-apat na kandidata na lang ang nanatili upang lumahok sa kompetisyon.[14]
Noong 23 Oktubre 2020, iniluklok ni Petri Bozo, pangulo ng Deliart Association na siyang tagapagpaganap ng Miss Globe, si Rowena Sasuluya ng Guiguinto, Bulacan upang lumahok sa The Miss Globe 2020 kung saan siya ay nagtapos bilang 4th runner-up.[15][16] Hindi pinayagan ng Binibining Pilipinas na lumahok sa Miss Globe si Sasuluya dahil sa banta ng COVID-19, at nadiskuwalipikado ito dahil sa paglahok nito sa Tirana.[17] Noong 5 Pebrero 2021, iniluklok ng Binibining Pilipinas Charities Inc. si Samantha Bernardo ng Palawan bilang Binibining Pilipinas-Grand International 2020 dahil lumagpas na sa age requirement si Binibining Pilipinas-Grand International 2019 Aya Abesamis.[18] Si Bernardo ang tanging runner-up sa Binibining Pilipinas 2019 matapos maluklok si Aya Abesamis bilang Binibining Pilipinas-Grand International dahil sa pagbibitiw sa tungkulin ng orihinal na Binibining Pilipinas-Grand International na si Samantha Lo.[19] Nagtapos bilang 1st runner-up si Bernardo sa Miss Grand International 2020.[20][21]
Apat sa orihinal na apatnampung kandidata ang bumitiw dahil lumagpas na sa age limit o dahil sa ibang tungkulin. Iaangat dapat ang age limit ng Miss International mula 28 hanggang 29 dahil sa pag-usog ng petsa ng Miss International. Gayunpaman, dahil nausog sa Disyembre 2022 ang ika-60 edisyon ng Miss International na dapat sanang gagawin noong 2020, hindi na binago ng Miss International ang age limit nito na 18 hanggang 28.[22] Samakatuwid, bumitiw na sa kompetisyon sina Vickie Rushton ng Negros Occidental at si Ana Thea Cenarosa ng Pototan, Iloilo dahil sila ay 29 na taong gulang na.[23][24] Bumitiw sa kompetisyon si Hazel Ortiz ng Pasig dahil sa iba pang mga responsibilidad nito sa labas ng kompetisyon, at bumitiw si Gila Salvador ng Nueva Ecija upang asikasuhin ang negosyo nito. Kinilala ang apat na hindi nagpatuloy sa kompetisyon noong 11 Hulyo 2021.[25]
Pormat ng kompetisyon
Ilang pagbabago ang inimplementa sa edisyong ito. Ang bilang ng mga semifinalist ay ibinaba sa labintatlo kumpara sa dalawampu't-lima ng nakaraang taon. Ang mga resulta ng paunang kompetisyon at ng closed-door interview ang nagpasiya sa napiling labintatlong mga semi-finalist. Lumahok sa opening statement ang labintatlong mga semi-finalist, na sinundan ng swimsuit competition at evening gown competition. Lumahok rin ang labintatlong mga semi-finalist sa question and answer portion, at kalaunan ay inanunsyo ang apat na nagwagi at ang dalawang runner-up.
Komite sa pagpili
- Benito Bengzon Jr. – Tourism Undersecretary at Spokesperson[26]
- Maria Garcia – General Manager ng Novotel[26]
- Enrique Gil – Pilipinong aktor[26]
- Rajo Laurel – Pilipinong fashion designer[26]
- Liza Soberano – Pilipinang aktres[26]
- Dioceldo Sy – CEO ng Ever Bilena Cosmetics[26]
- Kylie Verzosa – Miss International 2016 mula sa Pilipinas[26]
- Pinky Webb – Pilipinong mamamahayag sa CNN Philippines[26]
Remove ads
Mga resulta
Mga pagkakalagay
- Leyenda
- Nagwagi ang kandidata sa internasyonal na kompetisyon.
- Nagtapos bilang isang runner-up sa internasyonal na kompetisyon.
- Nagtapos bilang isang semi-finalist sa internasyonal na kompetisyon.
- Walang pagkakalagay ang kandidata sa internasyonal na kompetisyon.
§ – Nagwagi sa Fan Vote
Mga espesyal na parangal
Remove ads
Mga kandidata
Tatlumpu't-apat na kandidata ang lumahok para sa apat na titulo.[35][36]
Remove ads
Mga tala
Mga sanggunian
Panlabas na kawing
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads