DXMS-AM

From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Ang DXMS (882 AM) Radyo Bida ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-aari at pinamamahalaan ng Notre Dame Broadcasting Corporation. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa Oblate Media Center, Sinsuat Ave., Lungsod ng Kotabato, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa Notre Dame Village, Lungsod ng Kotabato.[1][2][3][4][5][6][7] Ang DXMS ay ang pinakamatandang himpilang Katoliko sa bansa.

Agarang impormasyon Pamayananng lisensya, Lugar na pinagsisilbihan ...
Remove ads

Kasaysayan

Itinatag ang DXMS ni Gerard Mongeau, ang unang obispo ng Romano Katoliko sa Cotabato,[8] noong Pebrero 1957. Ito ang kauna-unahang himpilan ng Oblates of Mary Immaculate,[9] at sa makasaysayang lalawigan ng Cotabato.[10] Ginamit ito dati para sa ebanghelisasyon sa Diyosesis ng Cotabato.[9]

Isinara ang himpilang ito sa deklarasyon ng pambansang batas militar noong 1972. Ang DXND-AM, na nakabase sa kidapawan, ay ginamit sa kalaunan bilang tagapagsalita laban sa administrasyon ni Marcos. Ngungit bumalik ang DXMS sa ere pagkatapos ng dalawang taon.[9]

Noong 1978, lumipat ang talapihitan nito mula 880 kHz[11] sa kasalukuyang 882 kHz.[12]

Nakilala ang DXMS sa pagsasahimpapawid ng taunang paligsahan sa pagsusulit.[10]

Remove ads

Mga pangyayari

Pag-atake noong 2000

Ang Radio Kalimudan, isang blocktime na programa[13] na pinangungunahan ni Datu Zamzamin Ampatuan,[14][15] ay ginamit bilang pagturo sa mga Muslim sa Gitnang Mindanao para pangalagaan ang kanilang mga tradisyon, [14] at para punahin ang Islamic extremism, lalo na ang Moro Islamic Liberation Front (MILF)[13] para sa kanilang pagkakasangkot sa karahasan habang itinutulak ang separatismo ng Mindanao bilang isang Islamic state.[14] Kalaunan ay nakatanggap si Ampatuan ng ilang banta sa kamatayan,[13] lalo na mula sa MILF[16] na sobrang tumutol sa kanyang programa.[17] Dahil dito, naging paksa ng maraming pag-atake na kinasasangkutan ng istasyon noong 2000 ang programang ito.[16][14]

Noong Pebrero 27, may naganap na pagsabog malapit sa himpilan,[18][19] habang kakasimula lang ng programa.[18][20] Nasugatan ang pitong indibidwal, kabilang dito ang dalawang alalay ng broadcaster at ang sekyu;[18][19] habang ang van lamang ng announcer na kakapasok lang sa compound nang mangyari ang insidente ang nasira.[18] Ito ay iniulat na ang ikatlong pag-atake laban kay Ampatuan, na sinisi ang MILF para sa isang nakamamatay na Ozamiz ferry bombing dalawang araw bago ito.[19] Ang pampasabog, isang homemade mortar bomb,[18] ay iniulat na katulad ng ginamit sa Ozamiz.[19]

Noong Marso 27, nasugatan si Ampatuan sa tangkang pagpatay nang tambangan siya ng humigit-kumulang 14 na armadong kalalakihan habang pauwi pagkatapos ng programa, na ikinamatay ng isa sa kanyang mga escort sa militar, at nasugatan din ang lima pa. Nakilala ang ilan sa mga salarin na miyembro ng MILF.[13]

Noong unang bahagi ng Disyembre, dalawang beses na sinalakay ang himpilang ito. Kabilang ito ang pagputok ng granada sa tahanan nito, na ikinasugat ng apat na bisita.[14]

Noong unang bahagi ng umaga ng Disyembre 11, nagpaputok ng 81 mm mortar ang pinaghihinalaang mga rebeldeng MILF sa transmiter ng himpilan nito, nasugatan ang isang tekniko at isang kumakatawan, at napinsala ang bodega ng transmiter at van ng kumpanya.[17][14] Isang araw bago ang pag-atake, binalaan ng hindi kilalang tao ang mga empleyado na hindi titigil ang pag-atake sa himpilan[14] hangga't ipagpatuloy ng DXMS ang programang yan.[17]

Itinanggi ng MILF ang responsibilidad sa ilan sa mga pag-atake.[20][17][14]

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads